Daily Archives: 2011-03-09

Memory Miyerkules Pagod

Friday. First Year HS. First Subject namin sa klase. May experiment sa Science, pero hindi ko talaga kaya lumibot sa classroom para pumunta dun sa sulok kung nasan ang mga kakailanganing gamit.

Sobrang sakit kasi ng mga muscles ko sa binti. Parang pinipilipit sa sakit. Bawat hakbang ay parusa; parusa sa mga kasalanan na hindi ko pa ginagawa.

Nung kahapon kasi, basketball practice. Side step, sa pinakamababang posisyon na kaya mo. Mga benteng zigzag na ikot sa kalagitnaan ng araw. At walang ibang pwedeng inuman na water jug kundi ang jug ni coach.

May pinaghahandaan kaming tournament e.

Eto ang kinalabasan ko ngayon. Hindi talaga ako makalakad. Umuupo na nga lang ako sa sahig para kahit papaano ay ma-relax ang legs ko. Pero pag kailangang tumayo, napapangiwi ako.

Uulitin ko ba kung gaano kasakit? Basta masakit talaga.

Pero may mas masakit pa pala kesa dun.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.