Sunog Ako

Kakagaling ko lang sa Puerto Galera. Unang beach for the year 2011. Kahit na nawalan ako ng celphone dahil sa katangahan ko, super enjoy naman ako.

Kasama ko sila Maffie at other friends nila Cam and Pearl. Kahit wala si Cam at Pearl, madali naman akong naka-halubilo sa mga new friends na to. Hindi naman din kasi mahirap sabayan ang trip nila. Kahit hindi sila super sporty, tamang inom at yosi lang din ang ginagawa namin.

Kaso, nagkaproblema ako. Hindi ko na naisipan mag sunblock. Pano naman kasi, makulimlim sa Galera. Nasa gitna na ko ng dagat kapag sumisilip ang matinding sikat ng araw. Ayan tuloy, sunburn ang inabot ko.

Kaya tip ko sa mga magbi-beach ngayon taon; always apply your sunscreen protection. Mahirap na magka-skin cancer.

Eto pala ang before and after pics:

 

Galera, before the sunburn

Macy's binyag with sunburnt skin

So pano? Ingat na lang sa mga natural calamities. Get ready for summer!

0 responses to “Sunog Ako

  1. bro JP! use moisturizer para magrejuvenate ang skin mo…kasi sunog na sunog yan.. 🙁

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *