KnP was Sucker Punched

Hanggang ngayon hindi ako maka get over sa pelikula. Ang husay ng cinematics at ng OST.

Sucker Punch; tungkol ito sa babaeng pag sumayaw ay nakakapasok sa isang kakaibang dimension kung saan siya ay nakikipaglaban sa mga iba’t ibang klaseng elemento. Yung mga nakakanood sa kanyang pagsasayaw ay namamangha. Parang nadadala niya sa ibang dimension ang lahat ng kanyang audience.

Yun ang pagkakaintindi ko sa movie, pero baka mali ako.

From the makers of Watchmen and 300.

I give this movie 10 stars out of 10.

What I Like

  • Seksi kasi ang mga artista. At kahit anong tumbling at barilan ang gawin nila, hindi nabubura ang kanilang makeup.
  • Super ganda ng OST. Sakto ang mga kanta sa fight scenes.
  • Astig ang fight scenes. Kahit na 2d lang ang palabas, parang 3d na rin sa ganda ng cinematics.

The experience

Hindi lahat kayang pumasok sa “Zone”. Sa katunayan, athletes lang gaya ni Kobe at ni Lebron ang alam ko na nakagagawa ng ganito. Kaya rin pala ito gawin ni Randy Orton.

Yun bang habang nagpi-perform sila o naglalaro, parang makikita mo sa mga mata nila na nasa ibang dimension sila. Parang hindi na kayo magka-level. In The Zone!

Kaya nga pag ako, bigla na lang natigilan sa pagsasalita, o hindi na ako nakikipag-usap sa mga kasama ko; wag kayo matakot. Nakikipaglaban lang ako sa ibang dimension. Para sa freedom.

Best Line in the Movie

  • If you don’t stand for something, you will fall for anything.

Eto trailer, para matuwa naman kayo:

0 responses to “KnP was Sucker Punched

  1. sa review mo, parang maganda panoorin tong sine na to ah. ang dating, parang naglalaro ako ng paborito kong video games, hehehe.

  2. sabi nga bro JP maganda daw! 🙂

    • naku ms van. panuorin mo. hindi ka magsisisi.

      • JP!! pinanuod ko nga…maganda nga ang graphics…at at..hindi ko masyado naintindihan ang story…bakit kaya hindi nila pinapakita yung scene na sumasayaw..gusto ko malaman kung anong klaseng sayaw ang ginagawa niya para mahumaling mga tao.. 😀

  3. it’s my first time to hear the movie! LOL much.. but i think it’s awesome! =)

  4. Napanood ko na to last saturday mejo magulo sa una ksi parang napupunta sila sa ibang dimension pero ang ganda nya. ang galing nung nakaisip ng concept ng movie ito.. naawa ako kay Baby doll.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *