Monthly Archives: April 2011

Memory Miyerkules Water Gun

Si Ate Star, siya ang yaya ng bunso kong kapatid. Simula nung pinanganak yung kumag kong kapatid na si Choy, nasa amin na si Ate Star.

Isang mainit na araw ng summer, mga alas tres ng hapon, naglalaro ako kasama ng aking mga kapitbahay. Kanya-kanya kami ng water gun. Pinupuno namin ito ng tubig at saka nagbabarilan. Sa sobrang init ng panahon noon, yun ang pinakamagandang laro para malamigan naman ng bahagya ang katawan.

water pistol

water pistol ang isa pang tawag sa water gun

Continue reading

Walkway sa Boni High Street

Boni High Street. Isang kakaibang mall. Madalas ako dun para magjogging tuwing Tuesday at Thursday kasama ang “Single Runners Club”.

Pero ngayon, dun makikita (hanggang bukas na lang, Easter Sunday) ang Walkway by Church Simplified.

Walkway Boni High Street April 2011

Walkway Boni High Street April 2011

Kakaiba ang way of the cross na ito. Sabi nga ni Smikai, “It’s like a tranformative learning version of the Stations of the Cross.” She should know. Siya ang teacher sa amin e. Continue reading

Semana Santa sa Meycauayan 2011

Pwesto!

 

driver ng karosa

Sobrang daming tao. Pangalawa sa nakipaglibing na mga santo ang aming karo na si Santiago (James the Great). Pagdating sa may Puregold Meycauayan, nagpaiwan na ako para kumuha ng pictures.

Continue reading

God is Good on Good Friday

Akala ko palpak na ang GOOD FRIDAY ko.

This is the official date na dapat nagti-training ako para sa 21k run sa May 22. In exactly 1 month, susubukan kong gawin ang isang bagay na nagawa na ni tontonbagyo at ni kpop; ang tumakbo ng 21 kilometeres.

Pagbangon ko kanina, ihahanda ko na ang sarili ko sa pagba-bike. Punta sana ako sa Boni High Street. E kaso, walang tao dito sa bahay. Wala pa yung sasakyan. At tinamaan pa ako ng katamaran.

Ayun, walang nangyari. Naglaro na lang ako ng Starcraft 2. Hindi na rin ako nag breakfast dahil fasting ako. Lunch na ang kasunod ko na kinain.

Akala ko pa, nasa sasakyan ang camera ko, kaya sinilip ko ang kasuluk-sulukan ng sasakyan. Ginamit ko yung flashlight na de-kasa. Silip dito, silip doon.

Walang Camera.

Pero guess what kung ano ang nahanap ko. Hindi talaga ako makapaniwala. God is Good, especially sa Good Friday.

ang nawawalang passport

Beri Nays