Memory Miyerkules Artista

May talent ako sa pag-arte. Kapag may school plays, sa loob lang ng klase o sa buong school, parati akong sinasali. Kadalasan nga, ako pa ang bida.

First Year High School. And title ng play at “The Prowess of Aliguyon”. Si Aliguyon ay isang mahusay na mandirigma noong panahon bago pa makarating ang mga Kastila. Magaling siya sa trumpo nung bata pa siya at mahusay siya sa espada nung paglaki niya.

Ako ang gumanap na Aliguyon sa play.

Meron sa play namin na fight scene. Imbes na espada ang gamit namin, tubo. Para maganda ang tunog. Actually, dapat kawayan lang yun o kaya naman ay arnis, pero hayaan mo na, tapos na e.

Ako ang nag-choreograph ng fight scene. May leg sweep pa nga kami at meron jump and slash. Tapos, meron din parry left at parry right. May part pa na mabibitawan ng kalaban ko yung espada niya. E since patas lumaban si Aliguyon, bibitawan ko rin ang espada ko. Para hand to hand combat naman ang kasunod.

Ewan ko ba kung bakit hindi ko pinursue ang pag-aartista. Siguro kasi, hindi ako sobrang gwapo. Katamtaman lang. Tsaka tamad din ako.

Magaling akong artista, pero hindi ako maarte.

At ayoko rin sa maarte.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

0 responses to “Memory Miyerkules Artista

  1. halata naman eh..magaling kang umarte pag naghost ka sa mga outreach natin.. 😀

    so bale nung play niyo eh nakabahag ka lang?! 😀

    • di ko na matandaan yung costume nun e.. parang ganun na nga ata.

      yung fight scene lang ang naaalala ko e.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *