PLANS for my 25th Birthday

Experiential blogger ako. As much as possible, hanggat hindi ko pa nae-experience ang isang bagay, hindi ko pa siya isusulat. At kahit pa ma-experience ko, kung wala naman “dating”, tinatamad din ako sa pagsusulat nun experience.

Pero kung hindi ko pa isusulat ang mga plano ko for my 25th birthday, baka mawala lang sa isip ko at makalimutan ko na.

I will break my silence until the day of my birthday.

Siguro, kung napuruhan ako ng holdaper, hindi na ako makakapag-celebrate ng Silver Birthday ko. Pero hindi e. Masamang damo tayo. Sabi ko nga,

Hindi pa gawa ang bala na makapagpapatigil ng pagtibok nito.

Given na swerte ako at dapat ako magpa-party, gagawin kong engrande ang aking 25th birthday celebration. Pasasalamat na rin ito dahil buhay pa tayo. The weekend before May 31. Most probably, Saturday gaganapin. Ayoko ng Friday at hindi rin pwedeng Sunday.

Sasabog na ako pag hindi ko pa sinulat ang mga gusto ko mangyari sa birthday ko ngayong taon. Araw-araw ko iniisip ang plano na to at makakalimutan ko siya kapag hindi ko isusulat. Sayang ang ideas.

Eto ang mga plano ko.

  • Dito lang sa bahay.
  • Syempre pagkain. Maraming-marami. May lumpia!
  • 4 kinds of beer will be available. Malamig
  • Jack-Coke. May yelo!
  • Walang Videoke. Puro tugtugan lang.
  • I will invite all my musician friends. Dala ng sariling instrumento. Sana makapagdala din kayo ng amplifier. At need ko ng drums.
  • Open party. Lahat imbitado. I will NOT send special invites.
  • Need ko ng Monitor. Malaking monitor. Ayoko ng projector dahil mabilis mag-init yun. Mas maganda kung touch screen.
  • As usual, special prizes will be given to the first 25 people to arrive. Sana mas marami ang pumunta kesa last year.
  • AT AYOKO PILITIN ANG MGA TAO NA PUMUNTA!! WAG KANG PA-SPECIAL!!!

Need ko ng comments ninyo.

0 responses to “PLANS for my 25th Birthday

  1. Harhar! Gusto ko tong effect na to!

    AT AYOKO PILITIN ANG MGA TAO NA PUMUNTA!! WAG KANG PA-SPECIAL!!!

  2. wow..ganun!

    parang gusto ko pumunta JP parang may mini concert na mangyayari kasi..ginawa na to ni len nung birthday nya din at ang saya!!! 😀

  3. Excited na ko sa birthday mo sir JP.. wait, invited ba ko? Hahaha…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *