Pang unawa

So ako ang may mas malawak na pang-unawa, pero ako ang nababawasan ng kaibigan. Ganun ba yun?

Matapos kong mag-declare ng aking plano para sa birthday ko ngayong taon, marami ang nakabalita at nagpahiwatig na makakarating sila. May mga request na nga sila ng kung anong handa at kung anong inumin ang masarap.

Si Super Ex, nagri-request pa ng Vodka. Absolut Peach daw. Ia-assign ko na lang ang task sa iba. Pero sure na yun, Absolut Peach. Dagdag na natin sa pwedeng i-expect sa birthday ko.

May nagtanong pa nga kung ano daw gusto kong matanggap sa birthday ko. Ang sinagot ko, I need presence and not presents. Mas gugustuhin kong makarating ka kesa sa regalo mong bonggang bongga. Hindi ko kailangan ng mamahalin na regalo, ang kailangan ko… ikaw mismo.

Pero nauunawaan ko naman e. Kung may nauna ka nang plano para sa araw na yun – May 28 – . ayos lang saken. Tandaan mo lang, hindi mo ako inimbitahan nung birthday mo, pero iniimbita kita sa araw ng birthday ko.

Sa mga nagsabi na makakapunta sila, kita-kits ha. Kahit medyo matagal pa, sinasabihan ko na kayo. Baka gumawa pa kayo ng lakad e.

0 responses to “Pang unawa

  1. Hindi ko kailangan ng mamahalin na regalo, ang kailangan ko… ikaw mismo.</i?

    Tandaan mo lang, hindi mo ako inimbitahan nung birthday mo, pero iniimbita kita sa araw ng birthday ko.

    isa kang tunay na alamat… saludo ako sa’yo kampeon!

  2. sorry namn bro JP mga birthday celebration eh puro suprise party lang po.. 😀

    anyway sana iniimbitahan moko sa birthday mo.. 😀 gusto ko pumunta.. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *