Daily Archives: 2011-04-13

Gusto ko lang naman ng McDo fries e

Maganda ang commercial ng McDo na BF/GF. Ang hindi ko ma-gets, bakit pa nakialam ang CBCP sa issue at inutusan ang McDo na itigil ang pagpapalabas nito.

Tignan mo muna itong Commercial.

At eto naman ang sabi ng CBCP.

“It’s very shallow … It cheapens human relationships,” said Fr. Melvin Castro, executive secretary of the CBCP Episcopal Commission on Family and Life.

“At a very, very young age, these kids should instead be taught the value of loving their parents, their country, environment and God, not about a relationship not yet appropriate for their age,” Castro said over the Church-run Radio Veritas Monday.

“If the ad attempted to teach commitment, [it failed] because it was too superficial to point to a packet of French fries as the basis of a relationship.”

Eto lang naman ang reaction ko:

Para sa akin, napagandang example ang commercial na ito para sa ating mga Pilipino. Isipin mo ha, bata yun – at 25 pesos ang isang order ng McDo fries. Para sa isang bata, napakalaking bagay na ng 25 pesos.

Nung ako ay mga 8 years old, sampung piso lang ang baon ko sa isang linggo. Masaya na ako nun.

Kung ako yun… 25 pesos? Demanding KA! Napakalaking bagay sa akin ng 25 pesos. Hindi ko basta-basta ibibigay sa iyo to.

Pero ano ang ginawa nung batang lalaki, nagsakripisyo siya. Binitawan niya ang kanyang pera para sa pag-ibig. Binitawan niya ang kakarampot niyang baon para sa gusto niyang makamit.

Sakripisyo, isa sa mga dapat natin gawin sa panahon ng Lent. Dapat handa tayong magsakripisyo ng kaunti para makuha natin ang tunay na kasiyahan.

* * * * *

Ewan ko lang a. Pero sure ako na may mga mas magagaling na mga Pari at Obispo na kayang ikutin ang kwento para maging Homily.

Ang sa akin lang, inuna nilang tignan ang mali sa commercial at hindi ang mga tama.

Sa isang banda, may point din naman ang mga Obispo e. Pero yung kabilang side ng kwento, parang natabunan na kaagad.

Article spinning naman tayo ng konti mga Father!

Kayo ba? Ano sa tingin ninyo?

Memory Miyerkules Ocho

Pauwi ako nun, galing sa simbahan. Nakabisikleta lang ako. Walang pangalang yung dala kong bisikleta nun.

Medyo mabilis din ako magpatakbo ng bisikleta. Walang kasalubong e. Wala din naman kasabay na ibang tao. Ako lang ang nasa kalsada. Nakakapag swerve swerve pa nga ako e.

I am free!!!

Nung dalawang kanto na lang malapit sa amin, sa may kalsada ng  zone 8-9, medyo nag banking ako papasok  sa eskinita. Napanuod ko kasi ang banking technique sa TV. Ginagawa yun ng mga nagka-karera sa motocross. Ginagamit nila ang tuhod nila para makapag-balanse ng maayos sa motor.

At kailangan, medyo mabilis ka para makapag-banking ng maayos.

Pero nagulat na lang ako. May sumalubong sa akin. Si Ace, kasamahan ko sa pagiging sakristan. Naka-motor siya. Mabagal ang pagpapatakbo niya ng motor habang ako naman ang mabilis.

Hindi kami nagkaintindihan sa pag-iwas. Kumabig kami sa parehong direksyon. Lagot na.

Nabangga niya ang harap kong gulong. Hindi naman ako tumalsik. Nakapreno kami pareho at huminto ang lahat.

Buhay pa ako. Alam ko buhay pa ako.

At ganun din naman siya. Pati ang motor niya, walang galos.

Pero ang gulong ko sa harapan, ayun. Nag-ocho na. Hindi ko na magagamit yung bike. napilitan akong ikalas ang gulong at maglakad pauwi. Si Ace na rin ang nagbitbit ng ocho kong gulong.

Malas talaga ata ako pag malapit na ako sa bahay.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Birthday wish this 2011

Tutal ay nasimulan ko na rin lang, lulubusin ko na.

Simple lang ang birthday wish ko. Yun ay ang makita ang mukha ko sa mga profile pic ng mga friends ko (lalo na yung mga babae).

Kung titignan mo ang profile pics ko sa fb, papalit-palit ako ng profile pic na iba’t ibang chicks ang kasama. Mga pinsan, kaibigan, kakilala, officemate, tropa, lahat. Gusto ko kasi maparamdam sa friends ko na importante sila sa akin, kahit sa simpleng gesture lang na ganun.

May 28 ang target date ko ng akin birthday celebration, pero May 31 talaga ang birthday ko. sa loob ng apat na araw at tatlong gabi na yun, sana makita ko ang mukha ko sa mga facebook feed ko. Karamihan ng friends ko, sana palitan ang profile pic nila na kasama ako.

Pwede nila palitan ang profile pic nila pagpunta nila sa bahay. May wifi naman kami sa bahay e.

Eto problema, maglalabas pa ba ako ng PC para lang payagan ang mga bisita ko na makapag-FB. Hassle ata yun.

Haaaaayyyyy. Sana meron akong internet ready na TV.