Memory Miyerkules Ocho

Pauwi ako nun, galing sa simbahan. Nakabisikleta lang ako. Walang pangalang yung dala kong bisikleta nun.

Medyo mabilis din ako magpatakbo ng bisikleta. Walang kasalubong e. Wala din naman kasabay na ibang tao. Ako lang ang nasa kalsada. Nakakapag swerve swerve pa nga ako e.

I am free!!!

Nung dalawang kanto na lang malapit sa amin, sa may kalsada ng  zone 8-9, medyo nag banking ako papasok  sa eskinita. Napanuod ko kasi ang banking technique sa TV. Ginagawa yun ng mga nagka-karera sa motocross. Ginagamit nila ang tuhod nila para makapag-balanse ng maayos sa motor.

At kailangan, medyo mabilis ka para makapag-banking ng maayos.

Pero nagulat na lang ako. May sumalubong sa akin. Si Ace, kasamahan ko sa pagiging sakristan. Naka-motor siya. Mabagal ang pagpapatakbo niya ng motor habang ako naman ang mabilis.

Hindi kami nagkaintindihan sa pag-iwas. Kumabig kami sa parehong direksyon. Lagot na.

Nabangga niya ang harap kong gulong. Hindi naman ako tumalsik. Nakapreno kami pareho at huminto ang lahat.

Buhay pa ako. Alam ko buhay pa ako.

At ganun din naman siya. Pati ang motor niya, walang galos.

Pero ang gulong ko sa harapan, ayun. Nag-ocho na. Hindi ko na magagamit yung bike. napilitan akong ikalas ang gulong at maglakad pauwi. Si Ace na rin ang nagbitbit ng ocho kong gulong.

Malas talaga ata ako pag malapit na ako sa bahay.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *