Daily Archives: 2011-04-15

Kabado para sa BloggersFest

Aaminin ko na, hindi talaga ako inimbita. Nagprisinta ako! Hahaha!

Bukas na ang BloggersFest na gaganapin sa Thunderbird Resorts sa Rizal. Magkikita-kita ang mga bloggers na galing sa Manila para sa kaunting sharing of knowledge tungkol sa blogging at sa internet.

At magto-talk ako tungkol sa Domain and DNS Management.

Woot?!

Sa mga kasama ko sa trabaho, sure ako na alam nila na karapat-dapat ako sa topic na ito. Ako nga ang takbuhan nila kapag may issue sila tungkol sa WordPress. Internet Genius to mga Tsong!

Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Unang beses ko magsasalita sa harap ng maraming tao na hindi ko naman talaga kakilala. Well, nagagawa ko na siya nung college days pero medyo matagal na yun. Wala na kong practice.

At sure ako na mas matatalino kesa sa akin ang karamihan sa mga magiging audience ko. Baka magmukha akong katawa-tawa. Isip bata pa naman ako (may nakapagsabi lang sa akin).

Pero I will come prepared (somewhat). Basta ilalabas ko kung anong mayroon ako. Sasabihin ko ang lahat ng bagay na makakatulong sa bloggers community. Pero syempre, confidential information remains confidential.

Sa mga pupunta, kita-kits po tayo bukas ha.

*Dress to impress nga pala dahil may workshop para sa photobloggers. Baka gawin nila akong model.

Facebook links

Napansin ko lang ito ha. Sabihin niyo na lang kung napansin niyo rin.

Pag WordPress ang gamit mo, at magpu-push ka ng article sa Facebook wall mo gamit ang LINKS, dapat medyo mahahaba ang paragraph na ginawa mo sa blogpost mo. Dapat din, mauuna ang words kesa sa picture.

Pag hindi mo kasi ginawa yun, hindi nadi-detect ng Facebook ang feeds mo. Wala silang nilalabas na paragraph. Tanging yung link at yung page title lang ang lumalabas.

So dapat mong ulitin yung article, o kaya naman mag produce ng panibagong URL para sa post mo, para lang mag-iba yung feed. Nakakainis yun dahil dapat tapos ka na sa trabaho mo, pero parang uulitin mo na naman.

Just a thought. Hindi ko kasi alam kung saan at paano isa-submit kay Mark Zuckerberg ang nakita kong problema e.

TV5 shooting sa bahay namin

Usapan sa hapag kainan. Kakatapos lang ng shooting sa bahay. 10pm sila nagsimula, 7am sila natapos. Pagod na pagod ang mga crew. Pack up na sila nung magising ako.

Ako: Gaano po ba katagal dito magshu-shooting sa bahay? Nakakadalawang araw na sila a.

Mommy: The show will run daw ng 6 months e. Kung may mga eksena na kailangan ang bahay, magshu-shooting sila.

Ako: So hindi sure yun? Baka every week, andito sila?

Mommy: Oo, parang ganun na nga.

Daddy: Bayad naman tayo e. Kahit na kapalit ay puyat. Isang araw lang naman sa isang linggo maximum.

Ako: Ano bang palabas yun? Bat puro mga bata ang artista?

Mommy: BAGETS. Remake daw. Pero this time, series. Yung lumang BAGETS kasi, pelikula yun.

Ako: Di ko pa ata mapapanuod yang series na yan. Wala kasi tayong magandang TV.

Mommy: Maganda naman ang TV naten a.

Ako: Mas maganda kasi kung yung TV ay LCD o LED. Yung FLAT SCREEN. Yung pwedeng pang-3d, at compatible pa sa 3d sounds!

Mommy: Taas mo naman mangarap, pwede na yung TV dyan.

Daddy: Pero tama nga naman yun. Minsan mo lang din makikita ang bahay naten sa TV, bat hindi pa sa magandang TV…

Ako: At ginawa pang props yung mga medal ko.

Mommy: Achiever din daw kasi yung role ni AJ, siya yung kapatid ni Aga Muhlach.

Ako: A kaya pala magkahawig sila, pero mas gwapo naman ako dun.

Mommy: Sige na, ikaw na naman ang bida!

 

mommy with some female cast of BAGETS

 

BAGETS will air on TV5 this coming May 7 (tentative pa ata). Every Saturday.