Facebook links

Napansin ko lang ito ha. Sabihin niyo na lang kung napansin niyo rin.

Pag WordPress ang gamit mo, at magpu-push ka ng article sa Facebook wall mo gamit ang LINKS, dapat medyo mahahaba ang paragraph na ginawa mo sa blogpost mo. Dapat din, mauuna ang words kesa sa picture.

Pag hindi mo kasi ginawa yun, hindi nadi-detect ng Facebook ang feeds mo. Wala silang nilalabas na paragraph. Tanging yung link at yung page title lang ang lumalabas.

So dapat mong ulitin yung article, o kaya naman mag produce ng panibagong URL para sa post mo, para lang mag-iba yung feed. Nakakainis yun dahil dapat tapos ka na sa trabaho mo, pero parang uulitin mo na naman.

Just a thought. Hindi ko kasi alam kung saan at paano isa-submit kay Mark Zuckerberg ang nakita kong problema e.

0 responses to “Facebook links

  1. Yung sakin naman, kahit nauuna ang pictures, lumalabas pa rin. Usually, pag malaki yung size nung photo, dun nangyayari na link lang lumalabas at di kasali yung feed. Saka pwede mo edit yung text naman sa Facebook mismo pag link and page title lang lumalabas sayo.

    • hmmm , ganun ba? so may kinalaman pala yung size ng photo. parang natatabunan yung text?

      yung text, oo editable. pero pag hindi lumabas, wala ako ma-click to edit. kainis!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *