Kabado para sa BloggersFest

Aaminin ko na, hindi talaga ako inimbita. Nagprisinta ako! Hahaha!

Bukas na ang BloggersFest na gaganapin sa Thunderbird Resorts sa Rizal. Magkikita-kita ang mga bloggers na galing sa Manila para sa kaunting sharing of knowledge tungkol sa blogging at sa internet.

At magto-talk ako tungkol sa Domain and DNS Management.

Woot?!

Sa mga kasama ko sa trabaho, sure ako na alam nila na karapat-dapat ako sa topic na ito. Ako nga ang takbuhan nila kapag may issue sila tungkol sa WordPress. Internet Genius to mga Tsong!

Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Unang beses ko magsasalita sa harap ng maraming tao na hindi ko naman talaga kakilala. Well, nagagawa ko na siya nung college days pero medyo matagal na yun. Wala na kong practice.

At sure ako na mas matatalino kesa sa akin ang karamihan sa mga magiging audience ko. Baka magmukha akong katawa-tawa. Isip bata pa naman ako (may nakapagsabi lang sa akin).

Pero I will come prepared (somewhat). Basta ilalabas ko kung anong mayroon ako. Sasabihin ko ang lahat ng bagay na makakatulong sa bloggers community. Pero syempre, confidential information remains confidential.

Sa mga pupunta, kita-kits po tayo bukas ha.

*Dress to impress nga pala dahil may workshop para sa photobloggers. Baka gawin nila akong model.

0 responses to “Kabado para sa BloggersFest

  1. congrats sir! i enjoyed your talk.. un nga lang nakakabitin talaga.. hehe.. ako po yung nanghihingi ng autograph. XD

    • paki-ulit nga yung sinabi mo.. parang hindi malinaw e.

      nanghingi ng autograph? so ibig sabihin, medyo sikat na ako dahil may nanghihingi na ng autograph ko?

      ahaha. asteeg.
      ikaw ang idol ko sa pagiging emo ng blog mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *