TV5 shooting sa bahay namin

Usapan sa hapag kainan.ย Kakatapos lang ng shooting sa bahay. 10pm sila nagsimula, 7am sila natapos. Pagod na pagod ang mga crew. Pack up na sila nung magising ako.

Ako: Gaano po ba katagal dito magshu-shooting sa bahay? Nakakadalawang araw na sila a.

Mommy: The show will run daw ng 6 months e. Kung may mga eksena na kailangan ang bahay, magshu-shooting sila.

Ako: So hindi sure yun? Baka every week, andito sila?

Mommy: Oo, parang ganun na nga.

Daddy: Bayad naman tayo e. Kahit na kapalit ay puyat. Isang araw lang naman sa isang linggo maximum.

Ako: Ano bang palabas yun? Bat puro mga bata ang artista?

Mommy: BAGETS. Remake daw. Pero this time, series. Yung lumang BAGETS kasi, pelikula yun.

Ako: Di ko pa ata mapapanuod yang series na yan. Wala kasi tayong magandang TV.

Mommy: Maganda naman ang TV naten a.

Ako: Mas maganda kasi kung yung TV ay LCD o LED. Yung FLAT SCREEN. Yung pwedeng pang-3d, at compatible pa sa 3d sounds!

Mommy: Taas mo naman mangarap, pwede na yung TV dyan.

Daddy: Pero tama nga naman yun. Minsan mo lang din makikita ang bahay naten sa TV, bat hindi pa sa magandang TV…

Ako: At ginawa pang props yung mga medal ko.

Mommy: Achiever din daw kasi yung role ni AJ, siya yung kapatid ni Aga Muhlach.

Ako: A kaya pala magkahawig sila, pero mas gwapo naman ako dun.

Mommy: Sige na, ikaw na naman ang bida!

 

mommy with some female cast of BAGETS

 

BAGETS will air on TV5 this coming May 7 (tentative pa ata). Every Saturday.

 

0 responses to “TV5 shooting sa bahay namin

  1. JP! binura mo ba comment ko dito???!?!

    anyway sabi ko astig namn ang bahay niyo sikat! ๐Ÿ™‚ puwede magpautograph sa mga sikat na artista gaya ni aga mulach.. ๐Ÿ˜€

    • naku ms van, nabura kasama nung blogpost. ayaw kasi mag-feed sa fb nung unang post e. so nire-create ko. hassle nga e.

      wala po si aga *muhlach e. hindi siya kasali sa cast. Kung kapatid lang niya na si AJ ang kasali.

  2. HuWow!! Sikat ang bahay nyo. At dahil minsan na kong nagvideoke concert jan sa bahay nyo. Titingnan ko nga yan. ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *