First time ko mag talk sa harap ng maraming tao. Dati kasi, mga isang classroom lang ang kinakausap ko at the most.
Nungย BloggersFest na ginanap sa Thunderbird Resorts sa Rizal, hanggang 200 ang attendees. E umuwi na ng maaga ang karamihan, kaya mga 150 na lang din ang audience ko. Marami pa rin yun. Nagsalita ako tungkol sa topic na Domain and DNS Management.
Nasa akin ang attention nila sa loob ng fifteen minutes. Yun lang ang alotted timeframe sa akin e. Pero simple lang din naman ang idi-discus ko kaya sisiw lang ito.
Hindi ko talaga alam pero nawala ang kaba ko nun pag-akyat ko sa stage. Ni-request ko kasi na ipatugtog ang Entrance Song ni EDGE ng WWE pag pasok ko e. Nakakawala talaga ng pressure yun.
Nang matapos nga yung talk ko, tinatanong pa ako ng mga bloggers, “kabado ka pa sa lagay na yan?” Hindi lang nila alam na buong araw kong sina-psyche ang sarili ko para hindi kabahan.
Sa mga nakarinig ng talk ko, sana may natutunan kayo kahit papaano. Kahit maiksi ang oras na nagsalita ako, sana tumatak sa isip ninyo yung mga pinagsasabi ko.
Yung makakapag-bigay nga pala ng definition ko ng Domain Name sa comments section ay ililibre ko ng ice cream sa susunod na pagkikita.
Salamat ke Jeman para sa photo.ย At salamat ke Emotero sa pagpapa-autograph. Ikaw pala yun!
kabado ka pala nung mga time naun.. indi naman halata.. hihihi.. ang confident nga ng dating mo eh
naalala kong may tanong ako kaso nahiya akong magtanong, tas after nung talk mo, iaapproach sana kita.. nahiya na naman ako.. hihihi
ngayon tuloy nakalimutan ko na ung itatanong ko dapat sayo.. next time na nga lang haha.. isinave ko naman ang numero bilang mo! lol
salamat at hindi halata ang pagiging kabado ko.
pag naalala mo yung itatanong mo, i am just a text message away ha. 0917KAMPEON
Sa pagkakaalala ko. ang Domain Name ay presence mo sa internet. Tama ba???? Ice Cream!
kulang cathie.. may kulang!
Sayang may nanalo na pala. Okay lang, dirty ice cream nalang or vanilla cone, dahil sa effort. Haha!
domain names are hostnames of IP resources which are websites. ๐
yan ba ang sinabi mo sa talk mo!?!?! ๐
hindi ms van e.. medyo malayo ka na.
nyahahaha! and to think nagwork pako sa isang registrar company.. ๐
wehehehhe!
Kabado pa pala na may intro music habang umaakyat ka no? hehe ๐
Di ko alam kung tama yung notes ko, pero nakinig talaga ko sa talk mo. Kasi dun sa title sa program, about DNS. Biglang napatanong ako sa sarili ko, WTF is DNS? ๐
At kung tama man ang notes ko, ang definition mo sa DOMAIN NAME is the “Registered Name for your site”.
Wala lang, parang natakam lang ako sa ice cream. hahaha ๐
naku/ bitin din . kulang.
pero salamat sa pakikinig sa talk kong maiksi. hehe
I like your talk and how the way you discuss your topic.. d naman halatang kabado!!
Domain name = It is your registered name for your internet presence.
nakinig ako!! =)
and we have a winner.. woohoo!!
ang saya naman magpa-contest.
pano ko mabibigay yung ice cream? tamang-tama, mainit ngayon!
hahaha pano nga ba? pagnagkita nalang tyo ulit =p
pwede galing wikipedia? hahaha
yung unang definition ng Domain Name sa slides ko, galing sa wikipedia. di na tayo nag-dwell dun dahil kulang sa time.
NEXT SLIDE PLEASE!
wow! Special mention! Nakakahiya naman.hahah.
Sayang naunahan pa sa ice cream!XD
Di ko naman nalaman pano ginagamit yung A,MX, etc etc.hahah. :p kapos kasi sa oras.
Anu bang meron sa entrance song ni edge? ๐
idol kita ser e. kwela yung pagku-kwento mo. kaso medyo iksian mo ng onti para dumami pa ang blogpost mo.
Kaya ka ba uminom rin nung gabi before ng bloggers fest sa kaba? ggusto nga kita lapitan nun pero na hiya na ko hehehe
nahuli mo! hehehe! i dont bite naman. pwede mo ko lapitan anytime.