God is Good on Good Friday

Akala ko palpak na ang GOOD FRIDAY ko.

This is the official date na dapat nagti-training ako para sa 21k run sa May 22. In exactly 1 month, susubukan kong gawin ang isang bagay na nagawa na ni tontonbagyo at ni kpop; ang tumakbo ng 21 kilometeres.

Pagbangon ko kanina, ihahanda ko na ang sarili ko sa pagba-bike. Punta sana ako sa Boni High Street. E kaso, walang tao dito sa bahay. Wala pa yung sasakyan. At tinamaan pa ako ng katamaran.

Ayun, walang nangyari. Naglaro na lang ako ng Starcraft 2. Hindi na rin ako nag breakfast dahil fasting ako. Lunch na ang kasunod ko na kinain.

Akala ko pa, nasa sasakyan ang camera ko, kaya sinilip ko ang kasuluk-sulukan ng sasakyan. Ginamit ko yung flashlight na de-kasa. Silip dito, silip doon.

Walang Camera.

Pero guess what kung ano ang nahanap ko. Hindi talaga ako makapaniwala. God is Good, especially sa Good Friday.

ang nawawalang passport

Beri Nays

 

0 responses to “God is Good on Good Friday

  1. at dahil sa nakita ko ang passport mo, naalala ko tuloy na dapat na pala kong magrenew ng passport ko! yey!salamat sa pagpapaalala lol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *