Memory Miyerkules Water Gun

Si Ate Star, siya ang yaya ng bunso kong kapatid. Simula nung pinanganak yung kumag kong kapatid na si Choy, nasa amin na si Ate Star.

Isang mainit na araw ng summer, mga alas tres ng hapon, naglalaro ako kasama ng aking mga kapitbahay. Kanya-kanya kami ng water gun. Pinupuno namin ito ng tubig at saka nagbabarilan. Sa sobrang init ng panahon noon, yun ang pinakamagandang laro para malamigan naman ng bahagya ang katawan.

water pistol

water pistol ang isa pang tawag sa water gun

Hindi malayo ang range ng water gun. Kailangan naming lumapit bago bumaril. Siyempre, hindi ka makakalapit pag hindi ka tatakbo. Yung iba namin na kalaro, nag-aantay na lang ng lalapit sa kanila at babarilin nila kung sino ang nasa sapat na distansya.

Masaya na kami doon.

Pero si Ate Star, hindi. Labas pasok kasi kami ng bahay para mag-reload. At naiistorbo pa ang kanyang pagdidilig ng halaman dahil maya’t maya ang aming pag-agaw ng hose sa kanya.

Nang maubos ang tubig sa aking baril, nagpunta ako ke Ate Star. Hinabol ako ng aking mga kalaro. Binaril nila ako. Di sinasadyang natamaan din si Ate Star ng tubig. Lagot na.

Hindi mahilig magalit si Ate Star, pero sa pagkakataong ito, gumanti siya.

Binasa niya kaming lahat ng hose.

hose

water hose, the unlimited water gun

Nagmistulang pista ni San Juan ang kalsada, basang basa kaming lahat.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

0 responses to “Memory Miyerkules Water Gun

  1. Mas malalaki na ngayon ang water gun at mas sosyal na 🙂

  2. ayos! saktong-sakto for summer! refreshing yang kwento mo! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *