Solo Run BGC and Back

Tinatamad na ako pag wala akong kasama tumakbo. Oo nga, solo mo ang kalsada at sarili mong pace lang ang iintindihin mo, pero boring daw yun tatakbo ka mag-isa.

Hindi naman pala.

Sa oras na alas sais ng gabi, oras ng pag-uwi ng mga tao from Makati, marami kang makikita. Pag magaling kang mag-eavesdrop kagaya ko, maririnig mo na pagkain ang pinaguusapan nila. Nagdidiskusyon sila kung saan kakain.

Bukod sa pag-eavesdrop, pantanggal bore din ang pagtawid sa kalsada at pakikipagpatintero sa mga sasakyan. Pipiliin mo ang babangga sayo. Make sure na BMW yun para may pambayad in case magalusan ang Golden Legs mo.

Makakakita ka rin ng mga taong nage-exercise din. Tumatakbo rin kagaya mo, pero sa ibang direksyon. Kakaway ka lang para Feeling Close.

Eto nga pala ang naging route ko.

Ayala > De La Rosa > Tawid ng EDSA > Mckinley Rd > BGC > Kalayaan > Estrella Bridge > Kalayaan Makati side > Makati Ave > Buendia > Ayala.

Kayo na lang mag imagine.

Sa susunod na solo run, try ko pumunta ng MOA naman.

0 responses to “Solo Run BGC and Back

  1. Ang layo bro JP!! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *