Memory Miyerkules School Service

Grade 5. Pauwi na ako nun. Nakasakay na ako sa jeep ni Mang Berting. Inaantay ko ang mga kasabay ko sa service. Mag-isa lang ako dun sa loob ng jeep.

Naririnig ko ang konduktor namin na si Kuya Itot na may kausap na babae. Boses ni Roselaine yun, kaklase ko. Bali-balita sa klasrum na may crush sa akin si Roselaine.

School Service

School Service

Pero hindi ako naniniwala.

Sa pag-uusap nila, naririnig ko na nag-aasaran sila.

“Sasakay na ba ako? Service ko to e,” malakas na sabi ni Roselaine.

“Hindi ka dito naka-service di ba? Dun ka sa kabila di ba?” sabi ni Kuya Itot na boses Batangueño.

“Dito service ko. Alam ko yun,” pagpupumilit ng babae.

Umakyat sa jeep si Roselaine, nakita niya ako na nakasakay na sa jeep malapit sa driver’s seat. Napigilan siya. Nagkatitigan kami.

Wala akong nasabi.

Wala rin siyang nasabi.

Dali-dali siyang bumaba ng jeep at tumakbo papasok sa school.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

0 responses to “Memory Miyerkules School Service

  1. Grade 5 ka palang malandi ka na. Tsk Tsk.

  2. So ano nangyari!?!! Hinabol mo? 🙂

    • i dont see the point bat ko pa siya hahabulin e magkikita naman kami kinabukasan sa klasrum. hehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *