Naligo si Pilot

Car wash. Yan ang kailangan ng sasakyan matapos niyang maglakbay ng malayo.

At hindi basta-basta malayo – San Jose, Bulacan ang pinaguusapan natin. Parang paakyat din ng Antipolo ang kalsada pero mas maputik. Kada mudpot na madadaanan mo, sure na matatalsikan ng putik ang white finishing ni Pilot.

car wash

paki-click ang link para malaman kung san galing ang picture

Kaya naman pagdating sa bahay sa Sta.Mesa, inuna kong paliguan si Pilot bago ako maligo.

Car wash bago ligo. nice.

Eto ang mga kailangan mo sa pagka-car wash:

  • Balde
  • maliit na palanggana
  • dalawang sponge
  • tabo
  • unlimited supply of water.
  • sabon (pwede na yung panlaba)

Syempre, alam mo na dapat ang gagawin sa pagka-carwash noh. Parang hinuhugasan mo lang ang pwet mo nyan. Kuskos lang ng kuskos hanggang matanggal ang dumi.

Ang attire? dapat yung handa kang mabasa ng tubig. Wag kang matakot mabasa dahil ganun talaga sa car wash.

Kaya nga dapat mauna ang pagka-car wash bago ang paliligo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *