Memory Miyerkules Paghahanda

Tuwing January ginaganap ang Science and Math fair sa High School namin. First year college ako non. Palibhasa ay baguhan sa school kaya medyo excited ako.

Andaming Science and Math projects. Takbo dito, takbo doon. Setup dito, setup doon. Gustung-gusto ko ang rush ng ganoon. Magbubuhat ng lamesa, isa-saksak ang mga computer, pagaganahin ang mga lever, wheel and barrow, mga simpleng experiment na gawa ng High School students.

Hindi ko na rin maalala ang mga projects na gawa ko. Wala na rin akong maalala na experiments. Ang naaalala ko lang, pag kailangan ng chalk, tatakbo ako sa classroom. Pag kailangan ng gunting, tatakbo ako sa HE room. Pag kailangan ng test tubes, nasa Chem lab yun. Pag kailangan ng lamesa, lalapit sa janitor. Basta pag may kailangan, alam ko kung san kukunin.

Parang isang buong araw ako na naglalaro ng bring me.

Gustung gusto ko talaga ang preparations. Dito kasi masusubukan ang haba ng pasensya mo.

Kahit na alam kong maiksi ang pasensya ko at pag nawawala ako sa focus ay napapasigaw ako, that does not mean na galit ako or anything. Gusto ko lang kasi na umandar ang program at kahit papaano, umusad ang event.

Kaya alam ko na may mga tao na nasigawan ko or nakabanggaan ko sa mga ganitong pagkakataon. Sorry po talaga.

Ayoko lang na nagmumukhang palpak ang mga projects na hawak ko.

Hindi ako perfectionist pero galit ako sa failures.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *