Nais ko magpasalamat sa lahat ng mga tao na naging bahagi ng aking Birthday celebration.

birthday cake
Simulan naten dito.
- Syempre sa Diyos na pumayag na mabuhay ako. Actually, pinilit ko lang Siya.
- Ke dadi na nag-ikot, naghakot, nagkumpuni, naglikha, gumabay, nagturo ng direksyon at nagsabi na “pahingi ng budget”.
- Ke mami na nagluto, nag-imbita, nag-explain, nagprepare, naglinis, nagpakapagod, nagpakapuyat at di nakalimot na magsabi ng “ano menu natin sa birthday mo?”
- Ke Kuya Do at ke Joan na tumulong sa pagpi-prepare at hindi bumati sa akin ng Happy Birthday dahil alam nilang hindi ko pa birthday talaga.
- Ke Choy na tumugtog, nag-research, nagsilbing backup singer, kumanta pag walang ibang kumakanta, nagcompose ng kanta na hindi ko naman narinig at natulog kaagad nang nalasing na siya.
- Sa mga pinsan at kamag-anak ko na dumalo, kumanta, nag-alay ng kanta, naki-kanta, humalakhak, nagkwentuhan at di nakalimot na magbigay ng regalo.
- Sa mga kamag-anak ko na hindi nakapunta dahil busy sila o di kaya ay nasa ibang lupalop ng mundo.
- Ke Lola During na hanggang ngayon e nandito pa rin sa bahay dahil di pa raw ako talaga nagbi-birthday.
Marami pala to. Sige tuloy tuloy lang tayo.
- Sa Barangay 605 at ke Chairwoman na nagbigay ng permit hanggang 12mn.
- Sa Barangay 606 na nagpahiram ng tent.
- Sa mga kapitbahay ko na hindi umangal sa ingay na ginagawa ng mga banda.
- Sa mga nagligtas sa akin nung nabaril ako. Salamat talaga.
Di pa to tapos, may kasunod pa.
- Sa people from the South at sa kanilang smiles. You did brighten up the party big time. Di niyo lang alam.
- Sa housemate ko from Guadalupe at sa kanyang bestfriend na kayang mag-antay ng 13 hours. Super!
- Sa mga tao from APS, majority of which ay resigned na.
Patapos na tayo, malapit na
- Sa mga Kampeon Ng Pag-ibig na dumating tatlong oras bago magsimula ang programa. Spell E-X-C-I-T-E-D!
- Sa Southern Treaders at sa kanilang talento ng pagpapatagilid ng mga empty bottles sa kalsada.
- Sa Knights Of Columbus na hindi alam itayo ang tent namin; 3-4-3 sa gilid, 2-1 sa bubong, 5-6 sa paa.
Ok, sa sponsors naman tayo.
- Sa Divisoria Mall para sa jump rope na tingin ko hindi lahat ay nabigyan.
- Sa Asia Brewery para sa Manila Beer at Tanduay Ice
- Ke pareng Jack, Johnnie at sa Emperador.
- Sa Coca-cola para sa Sprite at Coke.
- At syempre, sa Red Ribbon para sa aking cake, salamat Pamilya Alagao.
Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil sa inyo.
- sa Lights Out – check their band page here.
- sa Resurrected Saint , pasensya na kung hindi ko alam ang band name ninyo.
At maraming maraming salamat na rin sa mga tao na hindi dumalo dahil may kaaway kayo na nasa party o inaakala lang ninyong nasa party. You made the day extra-special for those people who were present.
Simple lang naman ang rule e; pag absent ka, IKAW ang topic!