25th Birthday Celebration ko

Nais ko magpasalamat sa lahat ng mga tao na naging bahagi ng aking Birthday celebration.

birthday cake

birthday cake

 

Simulan naten dito.

  • Syempre sa Diyos na pumayag na mabuhay ako. Actually, pinilit ko lang Siya.
  • Ke dadi na nag-ikot, naghakot, nagkumpuni, naglikha, gumabay, nagturo ng direksyon at nagsabi na “pahingi ng budget”.
  • Ke mami na nagluto, nag-imbita, nag-explain, nagprepare, naglinis, nagpakapagod, nagpakapuyat at di nakalimot na magsabi ng “ano menu natin sa birthday mo?”
  • Ke Kuya Do at ke Joan na tumulong sa pagpi-prepare at hindi bumati sa akin ng Happy Birthday dahil alam nilang hindi ko pa birthday talaga.
  • Ke Choy na tumugtog, nag-research, nagsilbing backup singer, kumanta pag walang ibang kumakanta, nagcompose ng kanta na hindi ko naman narinig at natulog kaagad nang nalasing na siya.
  • Sa mga pinsan at kamag-anak ko na dumalo, kumanta, nag-alay ng kanta, naki-kanta, humalakhak, nagkwentuhan at di nakalimot na magbigay ng regalo.
  • Sa mga kamag-anak ko na hindi nakapunta dahil busy sila o di kaya ay nasa ibang lupalop ng mundo.
  • Ke Lola During na hanggang ngayon e nandito pa rin sa bahay dahil di pa raw ako talaga nagbi-birthday.

Marami pala to. Sige tuloy tuloy lang tayo.

  • Sa Barangay 605 at ke Chairwoman na nagbigay ng permit hanggang 12mn.
  • Sa Barangay 606 na nagpahiram ng tent.
  • Sa mga kapitbahay ko na hindi umangal sa ingay na ginagawa ng mga banda.
  • Sa mga nagligtas sa akin nung nabaril ako. Salamat talaga.

Di pa to tapos, may kasunod pa.

  • Sa people from the South at sa kanilang smiles. You did brighten up the party big time. Di niyo lang alam.
  • Sa housemate ko from Guadalupe at sa kanyang bestfriend na kayang mag-antay ng 13 hours. Super!
  • Sa mga tao from APS, majority of which ay resigned na.

Patapos na tayo, malapit na

  • Sa mga Kampeon Ng Pag-ibig na dumating tatlong oras bago magsimula ang programa. Spell E-X-C-I-T-E-D!
  • Sa Southern Treaders at sa kanilang talento ng pagpapatagilid ng mga empty bottles sa kalsada.
  • Sa Knights Of Columbus na hindi alam itayo ang tent namin; 3-4-3 sa gilid, 2-1 sa bubong, 5-6 sa paa.

Ok, sa sponsors naman tayo.

  • Sa Divisoria Mall para sa jump rope na tingin ko hindi lahat ay nabigyan.
  • Sa Asia Brewery para sa Manila Beer at Tanduay Ice
  • Ke pareng Jack, Johnnie at sa Emperador.
  • Sa Coca-cola para sa Sprite at Coke.
  • At syempre, sa Red Ribbon para sa aking cake, salamat Pamilya Alagao.

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil sa inyo.

  • sa Lights Out – check their band page here.
  • sa Resurrected Saint , pasensya na kung hindi ko alam ang band name ninyo.

At maraming maraming salamat na rin sa mga tao na hindi dumalo dahil may kaaway kayo na nasa party o inaakala lang ninyong nasa party. You made the day extra-special for those people who were present.

Simple lang naman ang rule e; pag absent ka, IKAW ang topic!

0 responses to “25th Birthday Celebration ko

  1. Buti na lang nagising pa ako ng 11pm! Hahaha.
    Salamat sa invite JP! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *