Last 2 minutes of the first quarter

QLC – quarter life crisis. Ngayon lang pumapasok sa isip ko ang ganito.

Una kong na-encounter ang term na ito sa plurk ni Flaircandy at Startel. Nauna sila mag-25 sakin kaya mas nauna nila nae-experience ang QLC.

Which got me thinking, ano na ba ang mga na-accomplish ko for the first quarter of my life? May mga nagawa na ba akong makabuluhan? Nakatulong na ba ako sa bansang Pilipinas? Na-minimize ko ba ang aking Carbon footprint? Asan na ba ako ngayon?

Yan ang mga bagay na tatanungin mo sa sarili mo pag naramdaman mong tumatanda ka na. Hindi ka na bata. Eventually, yung potential mo ay hindi mo na mari-reach dahil sa edad mo.

Looking at where am I right now, masasabi ko na I am at the edge of my Prime. Half Marathon pa lang ang natatakbo ko at sure ako na kaya ko mag full. Nagsusulat ako sa blog pero sure ako na kaya ko to i-convert into something better. Nagtatrabaho ako at kumikita ng pera pero sure ako na kaya ko kumita ng mas malaki pa.

I have travelled a few. Pwede na siguro yun for now.

I have connected with a few friends. Masaya ako sa mga kaibigan ko.

I have a few enemies. You can’t make a million friends without having a few enemies.

I have made a few investments. Ok na sa akin to for now.

I have my own share of life experiences; ups and downs. Life threatening pa nga yung iba. I’ve got more than the others can handle.

I have Qarla, Merlin, Pilot and Dynamexz. Buhay na ako with them.

Love life? Nakakarami na ata ako. Tingin ko hindi dapat yun atupagin. Darating din tayo dyan. Tsaka hindi ako nagmamadali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *