Pokus Kampeon, POKUS!

Question: Anong kotse ang kailangan nating mga runners?

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Parang wala ako sa pokus.

Commute ako papasok kanina. Paglabas ko sa P.Sanchez road, sumakay ako sa unang jeep na nakita ko. Ampness, mali ang nasakyan ko na jeep. Dapat papunta ako sa Sta.Ana, pero napasakay ako sa jeep papuntang Boni. Napabayad ako ng extra at napababa matapos ang dalawang kanto para sumakay ng tamang jeep.

Hindi ko alam kung ano ang mali sa akin. Hindi na ata ako sanay mag commute.

Yung pangalawang jeep na sinakyan ko, dapat bababa ako sa Tejeron. Ayos ang pagkakaupo ko. Sakto lang at paalis na rin ang jeep. Pero napasobra ako. Hindi ako nakababa sa dapat babaan. Ayun, balik ako ng kaunting lakad then sakay ng jeep papuntang PRC.

Dala siguro ito ng katandaan, pero 24 years old pa lang po ako. Bukas pa ako magiging 25 years old.

Bata pa ako di ba?

Tapos, eto pa. Nasira ang power button ni Merlin (cellphone ko). Hindi ko alam kung mabubuhay pa siyang muli. Isa lang ang nasisiguro ko, dapat na akong magpalit ng telepono.

This should not faze me. Kayang kaya ko ang ganitong mga pagsusulit.

Pokus Kampeon, POKUS!

2 responses to “Pokus Kampeon, POKUS!

  1. hay naku JP..same boat tayo kasi kanina ganun din mali mali nasasakyan ko..pero ang pinakamasaklap..nasira ko ang itouch ko nalaglag sa balde ng tubig kaya yun..kapoot.. kelangan ko na ng bago.. huhuhu 🙁

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *