Monthly Archives: June 2011

Memory Miyerkules Wet na kagad..

Summer ng pamilya sa beach. Kumpleto kami.

Naisipan namin mag-pose sandali at kumuha ng group picture bago lumusong sa dagat. Trademark na ata ng pamilya namin ang mabilis makahanap ng sariling pwesto sa isang frame ng picture.

Ang problema nga lang, ang mga malilikot na bata.

Sobrang bata pa ang bunso kong kapatid noon. Medyo may kalikutan din siya. Pero ok naman siya mag-pose pagdating sa pictures.

Nakakatuwa nga, kahit mainit ang sikat ng araw, nakuha pa namin mag-pose.

Ready 1-2-3. Click.

Maayos ang pagkakakuha ng litrato.

De-film pa ang uso noon. Kaya medyo natagalan bago namin nakita ang mga sarili namin sa picture.

Nang ma-develop na ang picture, nagtaka kami lahat. Hindi pa kami nakakalusong sa dagat pero basa na ang bunso kong kapatid na si Choy.

Hanep.

Napaisip tuloy kami, paanong nakalusot sa amin yun. Imposibleng magpunta siya sa dagat at makabalik sa sand para mag-picture.

Paano kaya siya nabasa na hindi pa lumulusong sa tubig?

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

In times of trouble, who do you call?

Cruisin’ towards EDSA when I felt the machine made its final sigh. The engine was then silent as I stop on the traffic light of Buendia Ave cor. Paseo de Roxas.

This is the first time Pilot, our family car, turned off its engines on me.

After turning off all lights, I tried to turn on the ignition.

A few purrs went out but to no avail.

After my own deep breath, I turned the key again.

The purrs were lighter and the engine still would not start.

I was hoping of a roar, but I can only hear laughter of people in a bar on the side street. Still I tried to turn on the machine. With a little hope and prayer I tried.

I got nothing but laughter from the gods of Olympus themselves.

And so it’s time for me to ask for help. There is none that I can think of but only one. Sure enough he is the only one capable and willing to be of help.

I grabbed my phone from the chest pocket of my MERGER jacket, I gave it a small slide to unlock the keypad. This small device would be a lot of help since the bigger machine failed me in the middle of the night.

Letter D. His name is saved in my phone with the letter D.

A few rings and no one answered. I was trying to be brave. Panicking would just worsen the situation. I played a song in my mind to ease my tension.

His phone is still ringing, and I know he will pick up the phone. I know he will.

“Hello?” goes the sound of his voice.

“Dadi, namatayan ako sa gitna ng Buendia.” was the first thing I said.

Gusto mo siya itext pero wala ka gustong sabihin

what a blog title!?

Yan ang sinabi ko ke Tontonbagyo isang lunch last week. Gustung-gusto ko talaga magparamdam sa diwata pero hindi ko alam ang sasabihin.

Korni naman ang simpleng “kumusta?” at masyado nang cliche ang magtext ka ng quote.

Isa pa, wala akong naka-reserbang magandang quote sa cellphone ko.

 

text message

text message

Buong araw na akong nag-iisip. Ayoko magkamali ng galaw. Baka sabihin niya, hindi ako seryoso sa kanya kapag nagtext ako ng jokes. Baka sabihin niya, bolero ako pag sweet quotes. Sure ako, sasabihin niya na korni pag simpleng kumusta lang. Ayoko naman magsend ng kÖMÜ$+@ dahil ayoko mapagkamalan na jejemon.

Problemadong-problemado talaga ako. Pano ba to?

Pag magpaparamdam ka ba sa isang tao, ano ba gagawin mo? Maghe-hello ka ba o titignan mo lang siya? Maghahanap ka pa ba ng tulay o didiretso ka na sa kanya?

Hindi ko alam pero buong buhay ko, ngayon lang ako nahirapan sa panliligaw.

So nagsuggest si Tontonbagyo, at eto ang pinakamagandang suggestion na narinig ko mula sa BEST DRUMMER OF QUEZON!

“Bat hindi mo itext ng blangko?”

“Blank message???”

“Oo, wala ka naman sasabihin di ba? Magpaparamdam ka lang di ba?”

So yun nga ang ginawa ko, nilabas ko ang cellphone, nag-compose ako ng blank message at huminga ng malalim.

MESSAGE SENT.

Ok na sakin yun, at least nagparamdam na ako sa kanya.

Pero after ilang seconds lang.

MESSAGE RECEIVED.

Galing sa diwata.

”  __________ ”

Blank message din.

Ayus!

Blank Message – isang paraan ng pagpaparamdam sa text. Ginagamit ito kapag wala ka naman talagang gustong sabihin at magpaparamdam ka lang sa taong gusto mo. Ang katumbas nito sa Facebook ay buddy Poke.

Memory Miyerkules Huli KA!

Ugali na naming magkakapitbahay ang maglaro ng taguan. Elementary pa lang ako non. Kadalasan, pag-uwi galing sa eskwela, pagkatapos na rin makagawa ng homework, naglalabasan na kami sa kalsada.

Kinalaunan, nabagot na rin kami sa larong taguan. Kaya naman binigyan namin ito ng kakaibang twist.

BANG-SHAK

BANG-SHAK

Actually, hindi naman kakaiba.

Hango ang twist sa sikat na laro noon na Counter Strike. Tinawag namin ang laro na BANG-SHAK.

Ganun pa rin magsisimula ang laro. Magbibilang ang taya nang naaayon sa napili niya sa Magic Finger. Matapos niyang magbilang, hahanapin na niya ang mga kalaro.

Parang may 1-shot rifle ang taya. Pag nakita niya ang kalaro; sasabihin niya BANG [name ng kalaro]. Automatic deads na yung kalaro na yun.

Ang bawat kalaro naman ay may bitbit kunwari na kutsilyo. Kailangan makalapit ng isang kalaro sa taya bago pa siya ma-BANG. Pag nahawakan niya ang taya, sasabihin niya; SHAK! Signal yun na nasaksak niya ang taya at napatay niya ito.

Kapag lahat ng kalaro ay na-BANG na. Ang unang na-BANG ang susunod na taya.

Kapag na-SHAK ang taya, magiging taya ulit siya sa next round.

Mas masaya laruin ang BANG-SHAK kapag walang kuryente. Nakapatay ang street lights at puro ilaw lang mula sa kandila ang nagagamit namin.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.