Memory Miyerkules Lupang Hinirang

Boy Scout camping sa school namin. First Year High School.

lupang hinirang

Lupang Hinirang

Naatasan akong mag lead ng Lupang Hinirang. Sabi ko, ayos lang. Sasabihin mo lang naman na ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at sabaysabay na umawit.

Hindi ko akalain na wala palang naka setup na component. Walang tugtog. Ako mismo ang maglilead ng Lupang Hinirang.

Kabado man ay sinimulan ko ang pag-lead. Kahit alam mong kabisado mo ang kanta, kakabahan ka pag hindi ka sanay.

Boy Scout salute ang ginamit ng mga scouts. Ako, bilang leader sa harap, kanang kamay sa kaliwang dibdib. Ang alam ko kasi, ganun yun pag ikaw ang leader. Iisipin mo ang kapakanan ng ibang hindi naman scouts.

Ginamit ko ang boses ko na isang octave at kalahati lang ang range. May matataas na part ang Pambansang Awit, pero kaya naman abutin yun ng Higher Do.

Well, nakaraos naman din ang kantahan. First time ko ata kumanta sa public nun. Well, kumakanta na naman ako sa classroom pag music class pero first time sa harap ng isang public event.

Wala naman negative feedback. Wala din positive. So sa tingin ko ok lang.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *