Carol's Texan 5 will host a bloggers buffet

Chicken and ribs ba? Sali ako dyan!

Magkakaroon ng exclusive bloggers buffet sa San Juan, Metro Manila. Para sa isang runner na kagaya ko, part ng aking diet ang pagkain ng Protein para lumakas ang aking mga muscle. Hindi ko imbento yan. Fact yan.

Promise totoo yan. Sabi yan ni Coach. Kung hindi man si Coach, malamang si Asst. Coach, o yung gf ni Coach na kapatid ni Asst. Coach. Basta maniwala na lang kayo, please lang!

San gaganapin ang bloggers buffet?

Saan pa edi sa Carol’s Texan5!

Kung tatanungin mo ako kung bakit, eto isasagot ko sayo: “Carol’s Texan5 offers the best chicken and ribs this side of Manila.”

Saang side? click mo ang link na to para malaman mo. Eto LINK

E pano naman yung mga hindi bloggers?

Edi matakam muna kayo, sasabihan ko na lang kayo pag may pera na akong ipanlilibre sa inyo (spell A-S-A). Pwede naman tayo KKB e, basta available si Pilot (pangalan ng kotse ko).

Eto nga pala ang menu nila.

Carol's Texan 5 Menu
Carol’s Texan 5 Menu

Gaya ng ibang mga restaurant, pwede ka magpunta dun sa lugar nila o magpa-deliver. Medyo nakakaligaw daw sa Little Baguio sabi ni Tito Jun na nag-birthday nung June 1; kaya kung ako sa mga taga-Mandaluyong, magpapadeliver na lang ako.

Eto ang kanilang services.

Carol’s Texan 5 Services:
• Dine-in (Enjoy your best chicken and ribs at Carol’s Texan 5!)
• Delivery (We deliver to San Juan, Mandaluyong, Ortigas and Pioneer only.)
• Event Food Booths (Got an event? Carol’s Texan 5 booths are available for hire.)
• Party Trays (Order trays of your favorite Carol’s Texan 5 dishes for special occasions.)
• Functions (Hold events at Carol’s Texan 5.)
• Kiddie Meal Sets (Order meal sets for your office and kids parties.)

Bakit ko gusto sumama dyan sa bloggers buffet na yan?

Syempre, masarap kumain kasama ang mga bloggers, lalo na kapag BEST recipe ang ihahain sa inyo. At syempre, unang Bloggers Buffet ito, ibig sabihin nun, historical. Iba ang nauuna.

Kahit sa running events, first 3 to cross the finish line lang ang may premyo na pera.

Isa pa, naku-curious ako kung sino si Carol. Gusto ko siya ma-meet. Sure ako curious din kayo. Hayaan ninyo, magpapa-picture ako sa kanya pag na-meet ko siya.

********

Salamat nga pala sa Carol’s Texan 5 para sa pag-sample ng food nila. Bisitahin natin ang kanilang web pages.

Website: http://www.texan5.com
Fan Page: http:/www.facebook.com/texan5

Ganun din sa nag-organize ng event na ito. Isang click lang yan. TenMinutesTops! at ClubTravelNOW.org; maraming salamat.
Websites: http://www.tenminutestops.com
http://www.clubtravelnow.org

Eto nga pala ang contact details ng Carol’s Texan5

Delivery: (02) 727.3843 / 0922.485.0154
Address: Carol’s Texan 5, 2F 713 J. Abad Santos St., Little Baguio, San Juan
Hours: Mon-Thu <11:30am-10:30pm>; Fri-Sat <11:30am-11:30pm>

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *