Memory Miyerkules Santacruzan

Sakristan ako simula 9years old. Trabaho ng sakristan ang magbitbit ng seryales kapag prusisyon. Nakapwesto sa harapan ng Santacruzan kapag Mayo ang mga sakristan. Parating frontlines, minsan, may taga-kalembang pa.

Pero hindi ako kasali sa grupo ng mga sakristan nang minsang nag santacruzan sa amin. Naimbitahan kasi akong maging konsorte sa isa sa mga Reyna ng Santacruzan. Ka-edad ko ang babae. Kapatid siya ng isa pang nakababatang sakristan.

Sawa na rin akong parating naka-sutana sa prusisyon. Para maiba naman, pumayag na rin akong maging escort. Barong kasi ang suot ng escort.

santacruzan

santacruzan

Maraming paghahanda ang ginawa ko; nagpagupit, nagpabango at nag-ayos ng maigi. Ayokong mapahiya sa aking reyna. Maituturing na blind date ang nangyari dahil hindi naman talaga kami magkakilala ng aking reyna.

Ang mga nanay namin ang magkakilala.

At yung kapatid niya na sakristan ang kakilala ko; si JM.

Nasa likuran ako ng simbahan kasama ng iba pang mga sakristan nang tinawag ako ng nanay ko. Dapat na raw ako pumwesto sa may arko. Dun ko na lang daw antayin ang aking reyna.

Nang nasa arko na ako, kinakabahan ako. Pano kung hindi kami bagay. Pano kung mas matangkad siya sa akin. Pano kung panget siya…

At may dumating, naka-gown na dilaw. Ang ganda niya. Pantay ang makeup at nakaayos ang buhok. Kasama niya ang groupie niya na magaganda rin.

Nagpunta siya sa tabi ko. Pumwesto at umakbay. Naglabas ng pamaypay na dilaw.

Nakakbighani ang ganito. Pag may pagkakataon, mas gugustuhin ko talaga mag-konsorte kesa mag-sutana.

Wala na akong nasabi kundi, “Hi…”

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *