Daily Archives: 2011-06-15

Memory Miyerkules First Day High

Unang araw ko sa Laguna BelAir School. First year high school. Transferee ako galing sa Dominican College Sta.Rosa.

http://www.youtube.com/watch?v=NgvM6wq8wJ8

Ang hindi alam ng karamihan, ang kuya ko ay nauna na sa akin na nagtransfer; si Kuya Do. Isang taong siyang mas matanda sa akin. Second year siya sa taon na yun.

Naging tradisyon na nang school namin na sabihan ang mga estudyante na uniform kagad ang isusuot sa first day ng pasukan. Pero likas na pasaway ang mga old students kaya hindi sila sumusunod. Nagsusuot ng casual attire ang old students sa first day of school.

At ang naka-uniform, either sobrang masunurin lang sa school o di kaya e transferee.

Hindi ako ganun. Since alam ko ang kalakaran, kahit transferee ako, nag-casual attire ako.

Marami kaming mga new students. At akala ng ibang new students, old student na ako dun dahil nga naka-casual ako. At dahil kilala ko na ang upperclassmen, makulit na rin ako sa school.

Nawi-wierdohan nga ang iba kong kaklase na old students dahil medyo makapal na ang mukha ko simula pa lang ng klase.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

call center LANG?

Hindi ako nakakanuod ng noontime show dahil sa trabaho ko. 9am-6pm ang pasok ko sa isang BPO company sa Makati. Call center agent ako.

Pero nagulat ako nang may mabasa ako tungkol sa isang komento na binitawan ni Jose sa EAT BULAGA. Sabihan ba naman yung nanalo sa kanilang show na ”Baka sa call center lang ang bagsak mo niyan”.

It was for me an irresponsible and an unjust comment on national TV. I have been in the industry after my graduation and never had practiced my bachelor’ degree in college. – http://jgsmart.blogspot.com/ 

Ano? Feeling mo kaya mo ang ginagawa ko sa call center? Akala mo ba madali ang trabaho namin dito? Oo nga at nakaupo lang kami pero hindi mo alam kung paanong pag-iisip at pagto-troubleshoot ng technical difficulties ang ginagawa namin dito.

Siguro nga hindi naka-linya sa karamihan ng call center agents ang kanilang kurso na kinuha noong college, pero naman hindi lahat ng graduate ng high school e kayang makapasa sa call center industry.

Naiinis ako sa komento na “call center lang”. Hindi mo pwedeng maliitin ang ginagawa namin dito. Kami ang nagdadala ng pera papasok ng bansa.

Sa call center nagtatrabaho lahat kaming magkakapatid, kaya ang insulto sa industriyang pinagta-trabahuhan ko ay insulto na rin sa akin at sa pamilya ko.

Preno naman tayo ng konti. Foul na yung comment mo e.

Pinakamaliit, Pinakamalupit – Junrey Balawing smallest man in the world

Happy Birthday sa iyo!

Na-pronounce na ng Guinness book of World Records ang pagiging World’s shortest man ni Junrey Balawing. Standing 22 inches tall, siya ngayon ang pinakamaliit na tao sa buong mundo.

junrey

junrey

Galing siya sa Zamboanga del Norte at anak siya ng isang Panday. Simula nung 2 years old siya, nag-halt na ang kanyang paglaki physically dahil sa mga komplikasyon sa sakit.

Ang kapalit ng kanyang kamalasan sa tangkad ay ang pagiging malaki naman ng karangalan na ibibigay niya sa kanyang pamilya at sa bansa. Sobrang saya at mailalagay na naman ang ating bandila sa Guinness book of World Records.

smallest man in the world

smallest man in the world

Isa kang kapwa kampeon.