Hindi ako nakakanuod ng noontime show dahil sa trabaho ko. 9am-6pm ang pasok ko sa isang BPO company sa Makati. Call center agent ako.
Pero nagulat ako nang may mabasa ako tungkol sa isang komento na binitawan ni Jose sa EAT BULAGA. Sabihan ba naman yung nanalo sa kanilang show na ”Baka sa call center lang ang bagsak mo niyan”.
It was for me an irresponsible and an unjust comment on national TV. I have been in the industry after my graduation and never had practiced my bachelor’ degree in college. – http://jgsmart.blogspot.com/
Ano? Feeling mo kaya mo ang ginagawa ko sa call center? Akala mo ba madali ang trabaho namin dito? Oo nga at nakaupo lang kami pero hindi mo alam kung paanong pag-iisip at pagto-troubleshoot ng technical difficulties ang ginagawa namin dito.
Siguro nga hindi naka-linya sa karamihan ng call center agents ang kanilang kurso na kinuha noong college, pero naman hindi lahat ng graduate ng high school e kayang makapasa sa call center industry.
Naiinis ako sa komento na “call center lang”. Hindi mo pwedeng maliitin ang ginagawa namin dito. Kami ang nagdadala ng pera papasok ng bansa.
Sa call center nagtatrabaho lahat kaming magkakapatid, kaya ang insulto sa industriyang pinagta-trabahuhan ko ay insulto na rin sa akin at sa pamilya ko.
Preno naman tayo ng konti. Foul na yung comment mo e.
Thanks for the cross link!
Indeed! These ignorant fools needs to be educated!
Ang mga taong nila-LANG nila ay di hamak na mas malaki ang pang-unawa sa mundo keysa ginagawa nilang pagpapatawa!
And if he intent to make us laugh with his statement, sorry sya dahil mura ang aabutin nya sa mga taong inapakan nya!
Lets walk the talk!
just saw your news from a fb feed. nainis lang din ako kaya sinulat ko. no bad vibes against the person, yung stereotype lang kasi e…
grabe namn yun…ang dami kong skills na natutunan sa pagiging call center agent noh?! like ang pinakamahirap..ang magmulti-task.. 🙂
dito ko nga natutunan sa call center industry ang technicalities ng blog e. hehe