Naisip ko lang, ano kayang klaseng call center representative ang ating pambansang bayani na si Jose P Rizal? Magiging mahusay kaya siya? Anong account kaya ang hawak niya?

Rizal 150
- Sa Makati rin magtatrabaho si Rizal. Parati siyang puyat dahil pang-gabi din ang schedule niya. Pero ayos lang sa kanya yun dahil maga-apartment din siya sa Pasay, para 1 ride lang papuntang Makati at 2 rides papunta Mall of Asia.
- Siguro, maa-assig si Rizal sa isang multi-lingual na account. Kaya niyang magsalita ng Ingles, Espanyol, Tagalog, German at kung anu-ano pang lenggwahe.
- Hindi mapapapunta si Rizal sa Technical na account dahil makikipag-away lang siya sa mga caller doon. Hindi rin siya mailalagay sa banking and finance na account dahil wala naman siyang magandang background sa business and accountancy. Ipo-profile siya sa Sales account kagaya ng karamihan sa mga call center executives dahil magaling siya mambola.
- Mataas ang conversion rate niya dahil alam niya ang mga produkto na binibenta nila. Samahan pa ito ng skills niya sa pambobola at pag-ikot ng usapan. At syempre, mabilisang root cause analysis lang, makakapag-upsell pa siya. Sure ako marami siya kikitain sa conversion incentives.
- Problema niya siguro ang handling time. Matagal siya makipag-usap sa telepono dahil gagamitan pa niya ng idiomatic expressions ang kausap niya para maikot lang ang usapan. Although kaya naman niyang mag straight to the point, mas gugustuhin niya pang magbabad sa telepono.
- Late siya sa pagpasok at kadalasan absent dahil sa pagra-rally sa Mendiola. Andun pa rin kasi ang passion niya para sa Inang Bayan. Kahit sino pa ang naka-upo sa administrasyon, babatilkusin pa rin niya ito.
- Blogger din siguro siya kagaya ko. Past time ang pagsusulat sa sarili niyang website.
- Wala siyang sports kapag day off niya. Malamang makikipag-chat siya sa mga best friend niya sa ibang bansa tungkol sa current events kapag rest days niya. O minsan naman, pag-uwi nya, diretso siya sa pagbukas ng facebook o email para makibalita tungkol sa estado ng ibang bansa.
- Hindi siya mag-aabang ng piso fare kagaya ng ibang mga nasa callcenter, pero parati mo rin siyang makikita sa Starbucks after ng shift at umii-spot ng chicks.
Sa tingin ko, ganyan si Rizal kung kapareho ko siya ng propesyon ngayon. Ikaw? Ano kayang klase na ka-trabaho ang model ng ating Piso?
Happy Birthday Kapwa Kamepeon. Painom ka naman, kahit Tanduay Ice lang.