Daily Archives: 2011-07-06

NBA Premium items giveaway

Ok guys, I have premium NBA merchandise signed by NBA Legend and four-time NBA Champion Horace Grant of the Chicago Bulls and the LA Lakers.

NBA 3on3

I am feeling generous and I am having them up for grabs.

 

Contest Duration:

July 7,2011 – July 21, 2011

 

Contest Mechanics:

1. Post the link of this blogpost in YOUR Facebook wall ‘link’ section. “http://www.kampeonngpagibig.com/2011/07/nba-premium-items-giveaway/

2. Like the fan pages of KampeonNgPagibigNBA and Junior NBA.

3. Use this format on your facebook link: “I want [name of nba legend] to be part of NBA Philippines 3on3 2012, [name of NBA player] to be 2012 NBA MVP and [name of NBA team] to become 2012 NBA champions. @Kampeon Ng Pag-ibig, @NBA, @JrNBA Philippines

4. Place your FB wall post URL on the comments section. To get your FB  wall post URL, kindly refer to this tutorial.

 

Winners:

3 Winners of Premium NBA merchandise package will be chosen via online raffle using Random.org. Winners will be announced in Kampeon Ng Pagibig fb page on July 25,2011.

Note:
Y0u need to supply the appropriate answers. (NBA legend, NBA player and NBA team)
You also need to tag the appropriate FB fan pages on your FB status wall post.

 

Jump BALL!

Iloilo barhopping 01

Kung sa umaga e simbahan ang pinuntahan namin, sa gabi naman e inuman ang inaatupag namin.

Pasensya na sa mga taga-Iloilo pero di ko na matandaan ang pangalan ng mga bar na pinuntahan namin.

Nung una, sa river side muna kami nagpunta. Nasa may bandang terrace kami overlooking the other side of the river.

Yung pangalawa, dun naman sa may parang Japanese style na inuman. Nakita pa nga namin yung isang pinsan ni Migs doon, kasama ng kaniyang bagong girlfriend. Napaka-swerte talaga namin. Iniisip ko na lang na dahil doon, sinagot yung pinsan ni Migs.

Yung pangatlong bar, sa likuran ng carwash naman. May videoke doon. Nakaupo kami sa mga upuan ng kotse na pwedeng i-recline. Naalala ko tuloy ang warzone at ang Arena sa Taft.

Eto Collage ng Pictures.

Iloilo barhop
Iloilo barhop

Masaya yung unang araw ng barhop namin, kaya inulit pa namin yun sa kasunod na araw, pero syempre ibang bar naman ang pinuntahan namin.

Memory Miyerkules Sulok ng Salas

Bahay sa Sta.Mesa, mga anim na taon pa lang ata ako noon.

Kasama kong naglalaro ang bunso naming kapatid na si Choy. Lego ata ang binubuo namin. Mahilig akong bumuo ng robot na inilalaban ko sa kung anumang binuo ng kapatid ko.

Basta yung akin, robot. Yung kanya, mukhang manok na elepante. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang binubuo niya sa lego.

Pabilisan kami makabuo. Kadalasan, ako ang nauuna at susugurin ko kagad ang ginagawa niya kahit hindi pa buo ang kanyang manok. Syempre, pag ganun ang laban, panalo ako.

Isang umaga, nang mabuo ko na ang ginagawa kong robot, napalingon ako kung nasan dapat ang kapatid ko. Wala siya doon, at wala pa rin siyang nabubuo na kahit na ano.

Feeling ko, panalo na ako sa round na yun. Pero dahil mabait akong kapatid, nag-alala ako … San kaya nagtatago yun?

Hinanap ko siya, sa taas, sa kusina (madalas siya sa kusina), sa CR, sa ilalim ng lamesa, wala siya kahit saan.

Nang mabalik ako sa salas, may naamoy akong kakaiba. Sinundan ko ang amoy.

Natagpuan ko ang kapatid ko na nakaupo sa sulok ng salas. Mas lumalakas ang amoy habang papalapit ako sa kanya.

Pagtingin ko sa kanya, umi-ire pa rin siya.

Takbo na ako at hinanap ko si Ate Star, ang yaya ni Choy.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Iloilo churches

Photo blogging muna tayo, featuring the churches around Iloilo. Yan ang isa sa mga ginawa ko sa aking KnP vacation.

 

Jaro Church
Jaro Church

Unahin natin ang Jaro Church, aka Nuestra Señora de la Candelaria Parish. Kilala rin siya bilang St. Elizabeth of Hungary Cathedral.

 

Miagao Church

Miagao Church

Next ay ang Miag-ao church aka Parish of St. Thomas of Villanova. Maganda yung facade nung church sa labas, at syempre ganun din sa loob.

Molo Church

Molo Church

Eto naman ang Molo Church aka St. Anne Parish. Isa sa mga features niya e yung puro babaeng Santo ang mga rebulto sa inner pillars ng simbahan.

Oton Church
Oton Church

 

Sayang yung original na Oton Church. Nilindol lang daw sabi ni councilor. Pero yun lang daw dapat ang Greek cross design na may Gothic altar.

So ayan, when in Iloilo, make sure that you visit these churches