Iloilo barhopping 01

Kung sa umaga e simbahan ang pinuntahan namin, sa gabi naman e inuman ang inaatupag namin.

Pasensya na sa mga taga-Iloilo pero di ko na matandaan ang pangalan ng mga bar na pinuntahan namin.

Nung una, sa river side muna kami nagpunta. Nasa may bandang terrace kami overlooking the other side of the river.

Yung pangalawa, dun naman sa may parang Japanese style na inuman. Nakita pa nga namin yung isang pinsan ni Migs doon, kasama ng kaniyang bagong girlfriend. Napaka-swerte talaga namin. Iniisip ko na lang na dahil doon, sinagot yung pinsan ni Migs.

Yung pangatlong bar, sa likuran ng carwash naman. May videoke doon. Nakaupo kami sa mga upuan ng kotse na pwedeng i-recline. Naalala ko tuloy ang warzone at ang Arena sa Taft.

Eto Collage ng Pictures.

Iloilo barhop
Iloilo barhop

Masaya yung unang araw ng barhop namin, kaya inulit pa namin yun sa kasunod na araw, pero syempre ibang bar naman ang pinuntahan namin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *