Memory Miyerkules Silaw

Palubog na ang araw. Nagri-report ako sa klase tungkol sa Judaism. Klase ng History kay Ms Shiela.

Medyo mahaba ang report ko. Marami kasi akong alam tungkol sa topic dahil medyo extensive ang research na ginawa ko. Story-telling ang style ng aking pagri-report.

Kalagitnaan ng report, may kung anong liwanag na sumisilaw sa akin. Galing sa bandang likuran ng classroom. Sobrang nakaka-distract ang silaw ng liwanag.

Pinagbigyan ko nung unang beses pero hindi kayang palampasin nang umulit pa ang silaw. Nakakabulag talaga siya.

Hinanap ko kung san nanggagaling ang liwanag. May isa akong kaklase na tuwang-tuwa na pinagti-tripan ang liwanag na naggagaling sa palubog na araw. Gamit ang kanyang wrist watch na medyo mamahalin, sinasadya niyang patamain sa aking mga mata ang reflection.

Tahimik lang sa klase ang klasmeyt ko na ito. Matalino naman siya pero hindi siya kagalingan sa social skills. Matipid siya sa salita.

Kaya naman hindi ko ma-gets kung bat ganito ang trip niya.

Well, eventually naging magkaibigan naman kami pero medyo matagal pa yun. At kaka-birthday lang ng kaklase ko na ito kahapon. Happy Birthday sa iyo! Buti hindi mo ako nabulag ng tuluyan nung High School.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *