Master Chef sa SM Malls

Andami nang SM ngayon; Hypermarket, Supermalls, SaveMore, etc. Anlaki na ng teritoryo ni Henry Sy at ng kanyang pamilya.

Pero ang gusto ko sa SM, parati silang may pakulo. Ang pinakahuli nilang gimik ay ang Master Chef series.

Tatakbo ang series na ito sa loob ng tatlong buwan. Minsan nga, sabay-sabay pa ang mga SM Malls para sa event na ito. Nung nasa Hypermarket Makati kami, may tumatakbo rin daw na ganoon sa SM Iloilo.

Magkakaroon ng demonstration ng pagluluto sa iba’t ibang SM sa buong bansa ang mga kagaya ni Chef

Chef Menoy

Chef Menoy

Menoy ng c3 Events Place, Casa Roces Malakanyang. Dito ay gagamitin niya ang ating mga local brands para makagawa ng masasarap na putahe na sure akong kagigiliwan ng mga taga-kain na kagaya ko!

Eto ang mga brands na gagamitin sa Master Chef:

  • Knorr
  • Nestle All purpose Cream
  • Unilever Food Solutions
  • Tabasco
  • Lee Kum Kee
  • Lady’s CHoice
  • Maggi
  • Clara Ole
  • Kikkoman SOy Sauce
  • San Remo
  • McCormick
  • Bounty Fresh Chicken
  • CDO
  • Purefoods Tender Juicy Hotdog
  • Purefoods Star Hotdog
  • Magnolia Cheeze Spread
  • Magnolia Purefresh
  • Magnolia All Purpose Cream
  • Magnolia Dari Cream

Ang pinan-sample sa amin ni Chef Menoy ay CDO products.

 

Tocino Chao Fan

Tocino Chao Fan

Ulam Burger Fajitas from CDO.jpg

Ulam Burger Fajitas from CDO.jpg

Pag-uwi ko nga sa bahay, kinuha kagad ni Mami ko ang recipe ni Chef. Hindi ko alam kung kelan niya gagawin ang putahe.

Ang unang recipe ay ang Tocino Chao Fan. Funtastyk Tocino ang ginamit kaya hindi makunat ang tocino. At kagaya ng ibang mga Fried Rice, madali lang ihalo-halo ang lahat. Black pepper lang ang kinaiba ng Chao Fan sa regular Fried Rice.

St John Bosco Makati HRM.jpg

Syempre, pamparami ng tao, kumukuha din ang SM ng mga estudyante sa malalapit na schools. Hindi lang kasi dapat sa loob ng classroom ang leksyon. At syempre, parang field trip na rin ito para sa HRM Students ng St John Bosco Makati (kahit na malapit lang sa kanila ang SM Hyper Makati).

Kwela nga ang mga estudyanteng ito. Attentive sila sa nangyayari. Akala mo tunay. Pero sure naman ako na marami rin silang tips na nakuha galing ke Chef.

Naka-libre pa sila ng samples ng pagkain. Ang sarap talaga.

Maraming Salamat SM para sa opportunity na ito. Hindi na tayo normal na grocery lang, may perks na rin ang pagpunta mo sa SM Malls ngayon!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *