Rexona Run 2011

Eto na naman, tumakbo na naman kami.

Pangalawang 21k run ko na ito. Kung nung una e si Rave Warleigh lang ang Southern Treader na kasama ko, this time marami na kami. Kasama ko si Coach Farrs, ang muse namin na si Ibyang, si Bulalo Runner, Kuya Pedro, si Badong, Makel, Jake, etc. Malamang may nakalimutan ako dahil sobrang dami namin sa team na tumakbo.

Me and Kuya Peter

Me and Kuya Peter

Sayang nga lang at may pasok ako kaya hindi ako nakakuha ng maraming pictures.

Kulay Orange ang singlet. Ang finisher’s Shirt e singlet din. Although mas maganda talaga pag shirt talaga siya, ok na rin dahil trip ko naman ang pagka-razor back ng singlet from New Balance.

Syempre, meron din medal for all 21k finishers. Kaya hindi ako tumatakbo ng ibang distance dahil target ko mag-ipon ng medalya ngayon.

Ang Medalyon by Dave

Ang Medalyon by Dave

Powerade, Century Tuna at Unilab ang sponsors. May iba pang sponsors pero sila lang ang tumatak sa isip ko.

Sa Mall of Asia kami tumakbo, papunta ng dambana ni Rizal, then pabalik sa EDSA, U-Turn ulit pabalik ng MoA. Akalain mo, 21k pala yun.

TAKBO PAAAAA!

TAKBO PAAAAA!

Para hindi ako ma-bore, umii-spot ako ng mga batteries para ma-energize ako. Bib no. 3773 at 17. Sana makita ko sila pag lumabas na ang pictures.

Ang naging PR ko e 2hours 20mins unofficial. Aantayin ko pa ang official chip time. Sana hindi pumalpak ang chip ko.

Next target ko na takbo e NBA Fit. Lumalabas na isang 21k every month ako. Sobra sobra na to para sa TO DO LIST for 2011 ko.

Di bale na, enjoy naman ang pagtakbo e. Lalo na pag nag-aantay sa finish line ang mahal mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *