Sales Promotion Permit for bloggers contests

React lang ako sa issue sa blogosphere a. Baka sabihin ng iba kasi, wala akong paki-alam. At isa pa, katatapos lang ng aking NBA premium items giveaway kaya medyo affected din ako sa issue na ito.

DTI

Hindi po ako apathetic. Pero instead of giving my opinion, mas gugustuhin ko siguro mag definition of terms. Mas madali i-define ang topic na ito kesa sa salitang PAG-IBIG.

ANONG MALI SA STATEMENT NA ITO:

“DTI Sales Promotion permit process that makes it a requirement even if there is no purchase required.”

Kung sino man ang nagsabi ng salita na yan e natitiyak kong hindi nag-aral ng mabuti sa High School. O malamang absent lang siya nung tinuro ang concept ng root word derivative. (imbento ko lang ang term na yan. Pa-uso ko lang yan.)

Sales Promotion Permit – SALES. Ibig sabihin, may bentahan na naganap. Benta means money involved. Hindi ba Sales is equivalent to PURCHASE? O baka ako lang ang nakaka-intindi ng ganun.

Bloggers contests – ang hinihingi lang ng bloggers ay web traffic. Kung legal tender ang web traffic, sige papayag ako na magbayad ng tax. E ang kaso, hindi e.

I need to agree on what this guy says. We need to create a new term for this. Halatang walang alam sa internet ang mga taga DTI e.

Tsaka kwento ko lang, nun kanina na binibigay ko dun sa nanalo ng NBA premium items yung napanalunan niya, napag-usapan din namin na medyo nakakatakot nga na baka hindi totoo ang contests ng ibang bloggers. Kasi nga naman, sobrang simple lang ng mechanics. Sabi ko naman, risk talaga yun. Nasasa-iyo na kung maniniwala ka. Tsaka, you can always review the blogger’s ABOUT ME page tsaka mga past contests niya kung legitimate nga. Sa TipidPC nga, may postive and negative reviews tungkol sa TPC member e.

PS. Bagsak po ako sa LAW on ADVERTISING nun College. So pwede ninyo bale-walain ang 2 cents ko.

0 responses to “Sales Promotion Permit for bloggers contests

  1. Well explained and defined. Ito ang dapat maipaintindi sa mga taga DTI at sa mga nagp-push for this (“DTI Sales Promotion permit process that makes it a requirement even if there is no purchase required.”)

    Thanks for posting this. 🙂

  2. True and agree! I have no problem complying to DTI policies should they be applicable to blogging process pero kung hindi rin lang naman maipapaliwanag ng maayos kung bakit kailangan idamay ang blogging sa napaka-pathetic na issue na yan eh please lang wag na pilitin at wag ng karirin.

    At isa pa, sa dinami-dami ng libel cases na ang sources ay mga published blogs/articles, hangang ngayon wala pa ring malinaw na batas ang puspusang kumokondena sa mga mas malalang epekto ng ibang blogs, bakit kailangang pagtuunan ng pansin ang mga nakatutuwang pa-premyo at kontest na buong pusong ibinababahagi ng ilang galanteng blogger?

    Ingit much DTI? Peace! 🙂

    • I just needed to post my 2 cents on the issue. blogger din ako at nagpapa-contest din minsan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *