Dota 2 Philippine Team will go to Cologne, Germany

Haha!

DOTA 2.. hindi ko pa nga nalalaro yun e. Pero na-invite na ang pinaka-sikat na DOTA team ng Pinas na Mineski para maglaro sa DOTA 2 Championship na gaganapin sa Cologne, Germany.

DOTA 2

Cologne? Ambabango siguro ng mga tao dun.

Sponsored by ASUS, lilipad ang ating ASUS.Mineski team papuntang Germany sa 17th to 21st of August. Hindi biro ang bakbakang mangyayari dahil 16 teams ang maglalaban para sa $1 Million dollars. Para kang SURVIVOR sa presyo ng panalo na yun!

Ang makapasok lang tayo sa league na yun ay isang karangalan na para sa ating mga Pinoy. Sure ako na dadagundong na naman ang Pilipinas sa ibang bansa nyan.

Abangan na lang natin ang mga balita sa Mineski blog. Ganun na din sa official DOTA 2 Blog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *