Memory Miyerkules Dog Bite

Don Bosco Sta.Mesa, PE class namin. Lahat na mga kaklase ko, naka-PE uniform at luminya na sa labas papuntang playground samantalang ako ay naka-daily uniform at naiwan sa classroom.

Hindi ko nakalimutan na Biyernes noon at meron kaming PE class, exempted lang talaga ako sa PE dahil meron akong kagat ng aso.

dog bite

Kung titignan mo akong mabuti e ok naman ang pangangatawan ko. Hindi mo ako makikitaan ng galos. Yun ay dahil nakatago ang kagat ko ng aso.

Saan ba kamo?

Sa may bandang pwet. Kanang pisngi ng pwet. Malaman ata kasi na parte yan kaya napag-tripan ng aso.

Nakagat ako ng aso sa Meycauayan, sa may kalsada malapit sa bahay ni Lola ko sa mother side. Next time ko na iku-kwento kung paano nangyari. Hindi ko na rin kasi maalala ang detalye.

At dahil exempted ako sa PE class, inayos ko na lang ang mga upuan sa classroom. Nagpaka-Obsessive Compulsive ako kahit isang period lang. Wala din naman akong gagawin at ayoko naman din magbasa ng libro.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *