Daily Archives: 2011-08-07

Banat 101

Kilala ako sa opisina namin bilang KampeonNgPagibig hindi lang dahil sa blog ko kundi dahil kadalasan akong makikitang naglilibot sa mga ka-trabaho at nagpa-practice bumitaw ng pick up lines.

Kada may bago akong imbento na pick up line, sinasabihan ko kaagad ang mga ka-trabaho ko. Madalas akong nakakakuha ng mga ngiti pero mas maa-appreciate ko kung feedback ang ibibigay nila.

Mas gusto ko kasi gawing pulido ang mga pick up lines bago sila magamit sa tunay na buhay. Gusto ko rin maisa-ayos ang TIMING dahil sabi nga nila, “Timing is Everything”.

Pero sa dami kong pick up lines, kadalasan e nakakalimutan ko na sila.

Sa request ni maluFAITH, nag-install ako ng RANDOM TEXT widget sa aking right sidebar para na rin ma-share ko sa aking mga readers ang mga banat.

Pansinin ang BANAT 101 sa ilalim ng KnP Time para sa ating random texts.

Kung meron kayong gustong maidagdag sa database ko ng mga banat, don’t hesitate to place comments below. Maraming salamat.

Salamat nga pala sa author ng widget na ito. Click the links na lang.
I LOVE WORDPRESS!