Memory Miyerkules Lion King

Kakatapos lang namin manuod sa sine ng Lion King noon. Kahit hindi namin masyado naintindihan ang istorya, hindi kami maka get over sa roar ni Simba.

De Leon kasi kami e.

Lion King

Paglabas ng sinehan, pinilit namin sila mami na bilhan kami ng game cartridge sa SEGA na Lion King. Nabasa kasi namin sa magazine na meron na nun at masaya daw yun laruin.

Cartoons ang Lion King, cartoons din ang laro sa SEGA.

Oo, SEGA ! Console yun… Wala na atang ganun ngayon. Kung meron man, sa museum na lang.

Anyway, binilhan nga kami ng bala after dalawang oras na pamimilit at pagta-tantrums. Pag-uwing pag-uwi namin sa bahay, sinaksak ko kaagad sa TV ang SEGA at pinaglaruan namin ang Lion King.

Wala pa atang isang araw, natapos kaagad namin ang laro. Maraming salamat sa magazine para sa walkthrough.

0 responses to “Memory Miyerkules Lion King

  1. natawa ako dito ah.. “De Leon kasi kami e.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *