Daily Archives: 2011-08-14

Traveling Filipinos

this blogpost was influenced by PossiblyPinay.

Natuwa naman ako at hindi lang pala ako ang mahilig manuod ng videos ni Mikey Bustos.

http://www.youtube.com/watch?v=nI27fcyTdc0

Agree ako kay Bustos sa konsepto niya ng Filipino World Domination. Ang tawag ko sa phenomenon na ito ay “World Filipinization”. Hindi magtatagal, ang lahat ng lahi sa mundo ay may Dugong Pinoy (Filipino blood).

Hindi kagaya ng Chinese at Indians, hindi takot ang Pinoy malahian ng ibang dugo. Sa katunayan nga, ini-encourage pa ng ating bansa ang mga success stories na napapangasawa ng Pinoy ang isang banyaga.

Kahit nga ako, may dugo akong Kastila at Chinese. Hindi ko lang sure…

Medyo nalungkot lang ako dahil mukhang sponsored ng Samsung ang Traveling Filipino tutorial ni Mikey Bustos. Nagmukha tuloy advertorial at hindi bukal sa loob ni Bustos ang kanyang video.

Anyway Hi-way. Congratulations kay PossiblyPinay dahil 1 year na ang blog niya. Sure ako malayo pa ang mararating ng blog niya gaya ng layo ng kanyang mga travels.

Popi pala ang gusto mong nickname sayo. Ako nga pala si Pepi. Hehehe

Possibly Pinay

Possibly Pinay

More POWER! Kili-kili POWER!

PR2 ang blog ko at gusto ko ng T-Shirt!

Ewan ko ba kung bakit importante ang Page Rank sa bloggers. Yun ata ang basehan ng isinisingil nila sa kanilang clients e.

Anyway, dahil nakiki-uso ako, nag-check rin ako ng aking PR. Makikita mo ang PR ng blog mo sa PRCHECKER.INFO. Pwede mo rin ito makita sa  iba pang websites. Mag-Google ka na lang.

Kung runner ka, PERSONAL RECORD ang ibig sabihin ng PR. Pero kung Blogger ka, PAGE RANK yun!

At balita ko may namimigay daw ng PageRank shirt sa internet ngayon. Kaya ngayon pa lang, sasabihin ko na ito! “I want a free PageRank shirt from Jehzlau Concepts.”

Sponsored daw ng Bloggershirts.com ang giveaway kaya sure ako na maganda ang quality ng mga shirt.

Eto nga pala ang kailangan nila para mabigyan nila ako ng shirt:

  • PR 2 ang blog ko.
  • Men’s Medium ang size ng shirt ko.
PR2 ang blog ko at gusto ko ng Tshirt

PR2 ang blog ko at gusto ko ng Tshirt

Pasensya na pero pinakialaman ko yung Tshirt at in-edit ko ng kaunti. Sana mapatawad ninyo ako.