Memory Miyerkules Chamba lang daw

Math Quiz bee. 4th year HS.

Sa second floor ng clubhouse ng Laguna BelAir village ginaganap ang quiz bee. Isa ako sa mga contestants. Andaming nanunuod sa amin at nasa mga suluk-sulok sila ng hall.

Nasa bandang kanan ang utol ko na si Choy at ang kanyang tropa.

Hindi naman multiple choice ang questions. Sa level 1 lang ata yun ganun. Pagdating sa intermediate at difficult round, todo computation na ang mga tanong at mali ang sagot mo pag mali ang units.

Well, ang mga kalaban ko e mas bata sa akin.

Ni-release na ng game master ang pangatlong tanong sa difficult round. Sa tally ng scores, ka-tie ko ang isa pang contestant sa leading place. Pero hindi ako kinakabahan dahil difficult round na ito. Wala siyang masasagot sa mga tanong dito.

Bawal magsulat sa handy board pag hindi pa sinasabi ang salitang GO. Pero pwede na magcompute gamit ang scratch paper.

Compute for the area, yan ang tanong habang naka-project sa big screen ang rhombus na given ang isang side at ang base. Nag-compute sa kani-kanilang mga scratch paper ang mga kalaban ko, habang ako naman e nakatulala lang.

Nakangiti pa ako.

Nang sabihin ang salitang GO, sinulat ko ang sagot ko sa handy board ko. Hindi na kailangan ng computation.

Lumingon ako sa mga tropa ni Choy. Nagbulungan sila pero nabasa ko pa rin ang bukambibig nila (“nanghuhula lang si Pepi”).

90 seconds ang ibingay para sa contestants para mag-compute. Hindi ko kailangang ng 90 seconds.

Timer stops. Raise your boards please.

Itinaas ko ang aking board at nakasulat ang aking sagot.

16 units squared.

“Only Pepi got it right.” ang pag-announce ng game master.

Nagulat ang lahat lalo na ang tropa ni Choy.

Nang makita ko ang handy board ng dapat ko na ka-tie na contestant, 16 units. Hahaha, nakalimutan niya na squared dapat ang units.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *