Monthly Archives: September 2011

Empires and Allies gives FOOD for the hungry

Iba talaga nagagawa ng technology ngayon, mas madali na mag-donate ng pera sa mga cause.

Nilabas na ng Pizza Hut at Zynga ang mga bagong building sa mga laro nila. Bawat pagbili ng bagong items na ito ay may katumbas na contribution na mapupunta sa World Food Programme.

Masasabi ko na adik ako ngayon sa Empires and Allies. Araw-araw akong naglalaro. Mga 1 month na akong walang palya sa pag-online para lang makalaro nito. Mas magiging makabuluhan pa ang paglalaro ko dahil sa bagong Farm nila.

Eto ang itsura:

new farm in empires and allies by World Food Programme and Pizza Hut

new farm in empires and allies by World Food Programme and Pizza Hut

 

May magandang building ka na, naka-tulong ka pa sa kalusugan ng mga nangangailangan. Ayos Zynga!

Memory Miyerkules Egg Pie

Kaklase ng kuya ko si AssaZIN. Naging kinakapatid ko siya dahil naging ninang ko ang nanay niya sa Kumpil. Ninong niya rin ata ang tatay ko sa kumpil kaya ang gulu-gulo na ng pagiging magkumare ng nanay niya at ni mami.

Nagba-bike ako sa village namin isang summer day. Nakasalubong ko siya at kinawayan. Dahil hindi ko trip makipagkuwentuhan, hindi ako huminto sa pagbibisikleta.

Liko sa kaliwa, liko sa kanan. Harurot sa main road at bangking sa kurbada. Ganyan ako mag bike. Minsan nga, magpapasikat pa ako sa kalsada. Nagpi-free hands ako habang tumatakbo ang bisikelta ng 40 kph. Minsan magbubukas pa ng kendi. Ang pinaka magaling kong trick ay lumiko na naka-free hands.

Matapos ang ilang minuto, oras na para umuwi. Parehong kalsada ang tinahak ko. Nakasalubong ko ulit si AssaZIN. This time, may bitbit siyang egg pie. Plano kong kumaway lang ulit at ipagpatuloy ang pagbibisikleta pero na curious ako sa egg pie.

Huminto ako sa tabi niya at nagtanong, “San galing ang egg pie mo?”

“Dun sa SAN ISIDRO BAKESHOP,” sagot niya.

“Malayo yun sa inyo yun ah?” Sumagot ako ng patanong.

“Masarap ang egg pie doon eh.”

Saka ko naisip, basta gusto mo, kahit gaano kalayo, kahit maghapon mo pang lalakarin, basta makuha mo. Yan ang tunay na pagka-GUSTO!

Sige na i-LIKE mo na tong blog post ko!

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Pinoy Gaming Festival 2011

Dito magkikita kita ang mga kampeon ng iba’t ibang computer games. Susubukan ko makapasok para sa StarCraft 2 tournament for bloggers.

O pano? Kita-kits!

Memory Miyerkules: Sorpresa

Birthday ko noon. 2nd yr College. May part time job ako sa De La Salle Alumni office.

Habang nasa cubicle ako ng opisina namin at nags-scan ng mga phone number ng mga clients, narinig ko na lang na may pumasok sa opisina. Kinausap ang liaison officer namin na si Ms Janet.

Pa-dial pa lang ako sa telepono nang nilapitan ako ng Ms Janet. May naghahanap daw sa akin.

Nagulat naman ako. Kaunti lang ang nakakaalam na may part time job ako sa Alumni Office. Paglabas ko ng aking cubicle, nakita ko si Howe. May dalang balloon at cake.

Hindi ako parating sino-sorpresa ng mga tao pero this was very touching for me. Matapos niya inabot ang mga regalo niya, nagkwentuhan lang kami saglit at umalis na siya. Nalaman tuloy sa buong opisina na birthday ko.

Ayos lang, wala naman akong pera na panlibre e kaya hindi na rin ako nakantyawan. Mas binati pa nila ang special delivery galing ke Howe.

By The Way, Howe is Chinese term for special someone. Si Howe ang second girlfriend ko. Saka ko na ikukwento kung paano ko siya naging gf at iba pang detalye.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.