ano ba ang SPARK ?

Bigay lang tayo ng maiksing definition. Kakaisip ko lang neto e.

Naalala mo ba kung ano ang tawag sa energy na bumubuhay sa mga otobots at diseptikons? SPARK ang tawag dun. it animates inanimate objects.

SPARK din ang reason kung bakit kinikilig ka pag dumadaan ang kras mo. SPARK ang nagbibigay ng kulay sa mundo niyo ng partner mo. Gaya ng mga nasa transformers, pag walang SPARK, wala ring buhay.

Pero gusto ko rin sana ipaalala kung paano pinapatay ang SPARK . Balikan natin yung paraan ng US-Army kung paano nila hinuli si Bumblebee, nag spray sila ng dry ice para humina ang SPARK ni Bumblebee at tuluyan nang maigapos ang robot.

So COLD ang pumapatay sa SPARK .

Gets mo ba kung saan patungo ang usapan na to? Basically sinasabi ko sayo kung paano wag mapatay ang SPARK . Kung mahal mo ang isang tao, patuloy mo siyang ibigin; mainit na pagtanggap at paglalagay ng fuel sa apoy. Wag mong hahayaan na maging COLD kayo sa isa’t isa. Wag mo papatayin ang SPARK .

Gets ?

0 responses to “ano ba ang SPARK ?

  1. amen to that!
    keep the fire burning ‘ika nga!

    • sabi nga ng friend ko, mas maganda daw yung maraming small sparks kesa sa isang bagsak na big explosion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *