Memory Miyerkules Tanong

Meron akong teacher dati sa MAPE noong elementary. Hindi ko alam kung ano ang trip niya pero pag nagpa-recitation siya, may isa hanggang tatlong estudyante lang siyang tatawagin sa buong 40 minutes para lang gisahin.

At malabo pa siya mag-gisa. Mas madadalian siguro siya mang-gisa noon kung uso na ang Magic Sarap.

Magic Sarap

photo from SariSariCart.com

Ang klase niya ng tanong is Postive then biglang kabig sa negative. Magtatanong muna siya ng “Do you agree?” na question. Then pag nag-agree ka na, saka ka babatuhin ng facts para mag disagree ka pero pag nagpalit ka naman ng isip sa kalagitnaan ng reciation mo, maghahanap na siya ng “Anyone who wants to answer?” para ipamukha sa iyo na mali ka.

Nakakainis yung ganoon. Buti na lang sa mga beauty pageant, hindi nauso ang debate. Isang tanong, isang sagot, I thank you bow na ang kasunod.

Pumasa naman ako sa klase niya, kahit na talagang malabo ang pagtatanong niya. Mga isa o dalawang beses din akong natawag noon at hindi talaga ako nagpatinag. I sticked to my decision na hindi ako maga-agree sa lahat ng sasabihin niya. Nakipagsabayan ako ng arguments gamit ang common sense. Wala naman akong ibang bala kundi sentido kumon e.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *