Will You Change Your Religion for The One You LOVE?

Eto ang katanungan na nagdala sa ating kandidata na si Shamcey Supsup sa Miss Universe 3rd runner up place. Napakaganda ng tanong na ito.

Shamcey Supsup

Shamcey Supsup

 

Sa loob ng isang araw, wala akong tinatanong sa mga nakakasalubong ko sa kalsada kundi ang tanong na to. Andami ko pang tinawagan para lang malaman ang opinyon ng karamihan.

Pero wait, eto nga pala ang naging kasagutan ni Ms. Philippines sa tanong na yan:

Question: “Would you change your religious beliefs to marry the person you love, why or why not?’’

Supsup answered: “If I have to change my religious belief, I will not marry the person I love because the first person that I love is God and He created me. And I have my faith, my principles and it what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God.’’

Tinawagan ko si Cathie Jane, binigyan niya ako ng straight English na answer at isang I Miss You. Tinawagan ko si Ate Calene, sinabihan niya ako na nanloloko na naman ako at tinanong niya kung bakit hindi ko siya ni-replyan dati kung nasa Megamall ba ako nung nagkatagpo ang mga mata namin ni Pink Maldita. Tinanong ko rin Diwata at binigay niya sa Facebook wall niya ang sagot.

Lahat sila, sang-ayon sa sagot ni Shamcey.

Pero ako, bilang isang kampeon, ano ba ang isasagot ko sa tanong na yan? Tungkol sa Pag-ibig ang tanong, hindi ko palalampasin ang question na yan.

Eto ang magiging sagot ko:

My religion taught me how to love; how to give up everything, even your own life for love. I would be a hypocrite if I can not give up my religious beliefs and exercise its main lesson which is to LOVE with everything you’v got.

I am willing to give up everything for LOVE.

Ganyan sumagot ang isang kampeon!

Congratulations Shamcey. Job well done!

 

 

0 responses to “Will You Change Your Religion for The One You LOVE?

  1. Mimi Osorio-Braulio

    I DID, and it’s all worth it.

    Let’s stop believing – living life with our traditions. Read. The. Bible.

    Colossians 3:18
    Wives, submit to your husbands, as is fitting in the Lord.

  2. gusto ko yung sagot ni mimi…
    common na tanong ito sa mga kababaihan at kung susunding nga yun sinasabi sa Bible kadalasan ang babae ang susunod sa religion ng lalake.
    sa tingin ko magandang tanong ito sa mga lalake…
    Eto din ang tanong na naisip ko kanina habang pauwi galing sa isang contract signing. 1 month 5 days pa lang kami ng GF ko at feeling ko nandoon na ako agad sa tanong na mag papakasal ba ako sa babaeng ito. Paano kung magpapakasal nga kami at gusto ng pamilya nya at gusto nya rin na sa simbahan(religion) nila kami mag pakasal. Kung ipipilit ko ang nakasulat sa Bible siguro hindi ang sagot ko sa tanong. Pero dahil hindi ako naniniwala na dapat pagdebatihan ang religion kahit saang simbahan pa nya gusto mag pakasal papayag ako. Sa usapang pag papalit ng religion pareho naman kaming nag kaka intindihan na hindi dapat issue ang religion. Kaya tingin ko wala naman kahit isa sa amin na mag pipilit mag pa ‘convert’. Gusto ko din un sagot ni Pepi pero pumapasok din dito yung sinasabi nila na diba dapat kung mahal mo ang isang tao tangap mo sya mula ulo hangang paa pati ang mga paniniwala at ang nakaraan nya? So bakit mo pipiliting ibahin ang religion nya kung mahal mo sya?

  3. Naghahanap ako ng lugar na pwedeng magcomment sa about page at contact page.. pero ito ang unang natunton kong pahina. Salamat naman at nakapagkumento at nakapraktis din ng pananagalog. Yun lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *