100 days na lang. Excited na ako. Gagawa na ako ng Christmas Wishlist.
- Bagong Digicam. Yung maaasahan sa oras ng pangangailangan. Tinotopak na yung luma e.
- Maayos na cellphone line. Amputek na Globe postpaid plan yan, delayed pa rin ang messages ko!
- Handheld na pwedeng makapag tweet. Pwede na siguro ang phone na may wifi access at twitter interface. Kung wala, iPad na lang.
- Kwarto na hindi tumutulo ang bubong kapag umuulan.
- Electric Fan. Yung bago!
- Bagong wallet. Gusto ko ng wallet na pwedeng lagyan ng pictures.
Kayo ba? May wishlist na ba kayo para ngayong pasko?! Gawa na kayo, nagsu-surf na si Santa Clause ng mga website ng mga mababait na bata.
hahaha! You gave me an idea. Maybe it’s time for me to make one. Thanks! 🙂
go na. sagutin mo na yung yung first item ko sa wishlist. kayang kaya mo naman ako bigyan ng digicam e.