Book Review: Pugad Baboy 23

Hindi ko alam kung dapat kong ginagawa ito. Nang matapos ko ang libro, parang ayoko na magsulat tungkol sa Pugad Baboy 23. Ok lang naman kasi ang mga jokes pero I was expecting better.

Honest review lang, ito ang pinaka-panget na Pugad Baboy book.

Mas exciting pa nga ata yung kwento nung araw nang pagbili ko ng libro na to sa Comic Alley, Megamall.

Pugad Baboy 23

Pugad Baboy 23

CONTENT

Puro political ang content ng libro. Banat ke Gloria, kabig ke PNoy, pati mga banat sa iba pang political figures, andyan. Parang napakadali kasing mag punchline sa politics e. Nakaka-umay nga lang.

I suggest, bumanat siya sa mga mas controversial na tao. Banatan niya ang mga Ampatuan imbes na si PNoy. Bigyan niya ng kakaibang punchline si Vice Ganda kesa ke Justin Bieber. Tirahin niya ang blogging community kesa sa obsolete banat ke PGMA.

I dare you!

LOOK AND FEEL

Napaka-dull. Sana sinamahan ng crayola para pwede kulayan ang libro.

Kapag nilagyan mo ng kulay yung libro, baka naging mas makulay pa ang content. Medyo walang kulay na nga ang content, wala pang kulay ang cover. Magandang art nga ang Polgas na naka senyas na 2 and 3, pero mas may igaganda pa ata to.

 

Hindi ko naman sinasabing sobrang panget ng libro. Karapat-dapat pa rin naman siya ilagay sa collection. Kulang nga lang sa story, korni ang punchlines at walang kulay. Kung ikinain ko ang pinambili ko ng libro, tae rin naman ang lalabas kaya ayos lang.

0 responses to “Book Review: Pugad Baboy 23

  1. For a very informal book review this is still lacking.

    • is this spam? hindi ko kasi na-gets yung english mo e.

      can you expound?

      • GIDEON SOCRATES S. FLORES

        sa mga nabasa ko sa review mo, masasabi ko na napakababaw mo, walang ka-kwenta kwenta, bakit hindi politics? baka hindi mo pa nababasa ang pinagmulan ng Pugad Baboy? o baka hindi ka pa nakakakita nun ganung klaseng print? hindi para sa mga bobo ang pugad baboy, kaya siguro hindi ka natawa sa mga banat at punch line dahil hindi mo alam ang mundong ginagalawan mo ngayon, kawawa ka naman dahil hindi mo na alam nangyayari sa bansa mo dahil puro kung ano-ano lang pinapanood mo, alam mo, buong pamilya ko nagbabasa ng broad sheet, duon ko nalaman ang PB at si pmjr, doun ako namulat sa totoong nangyayari sa bansa, at huwag ka lahat ng meyembro ng pamilya ko ay nagbabasa ng libro ni pmjr, para sa amin “history book” ito, hystory ng “funny side” ng kasalukuyang issue sa politika, sa ekonomiya, sa bansa at sa pang-araw araw na buhay ng mga Pilipino. Pinapaalala sa-kin ng Pugad Baboy likas sa ating mga Pilipino na tumawa at tawanan ang masalimuot nating pamumuhay. huwag ka maxado bumase sa napapanood mo kasi mind-conditioning lang yon, at sana naman huwag mo pagsasamasamahin ang mga magkaka-ibang bagay at aspeto, kung ngahahanap ka ng pang-vice ganda sa mga comedy bar ka magpunta, at alam ko wala pang ganung komics na ang style ng punch-line ke kagaya ke-vice, makakasuhan sila ng libel nun. naaawa ako sayo kasi nagsasalita ka ng mga bagay na higit sa kaalaman mo, sana naman sa susunod isipin mo mararamdaman ng ibang tao sa mga pinagsasasabi mo at sinusulat mo. Lingid siguro sa kaalaman mo na ang mga mambabasa ng PB ay mga Preofesionals, sana nandun ka nung nakaraang comicon para nakita mo kung sino-sino sila. Hindi kita pinipigilang magsulat ng blog o anu pa man sa internet, ang gusto ko lang ipaunawa sa iyo ay maging responsable ka sana sa mga sinasabi mo, katulad ng author ng PB, wala syang nasabi kundi 3 letra at 2 tuldok kasi profesional sya, ako naman, sa lagay ng damdamin ko hindi ko matanggap ang mga pinagsususulat mo dito, sabi nga ng mga banyaga, avid fan ang mga Pinoy kaya huwag mo silang gagalitin dahil napaka-subjective nila lalo na sa mga idol nila, subjective kagaya ng blog mo.. nga pala.. sa wakas nakakuha kami ng unang unang libro ng Pugad Baboy. nakakatawa ang kuwento tungkol sa libro pero maraming beses ko nang nabasa yun sa mga sumunod na libro, masayang baliakn ang nakaraan sapagkat malalaman ko kung ano ang gagawin mo bukas..

        • pasensya ka na. tinamaan ka ata ng blogpost ko masyado.

          Hindi ako hater ng Pugad Baboy. Fan ako. Binili ko ang libro sa unang araw na nagkaroon ako ng pera matapos lumabas ang libro. Sinakripisyo ko ang isang hapunan at isang tanghalian para makabili ng latest na libro ng isa sa mga idolo ko sa pagsulat. Hindi ko hiningi sa magulang ko ang pera. Pinagtrabahuhan ko yun dahil PROFESSIONAL din ako. Sa call center ako nagta-trabaho!

          Bilang fan, at bilang paying customer, may karapatan akong ilabas ang opinyon ko tungkol sa librong binili ko. Siguro nga magaspang yung pagkaka-review ko sa libro dahil obvious naman, hindi ko siya nagustuhan gaya ng pagka-gusto ko sa mga naunang libro.

          Agree ako sa sinabi mo, mababaw ang review ko. Walang kwenta kung tutuusin. Parati nga akong sinasabihan ni Girlfriend at ng mga ex ko na para akong bata. |GROW UP NGA|

          Salamat sa comment mo, alam kong may mga taong mataas ang respeto sa kanilang mga idol. Dude, ganun din kataas ang respeto ko kay pmjr. Hinding hindi ko maaabot ang naabot niya. Kahit ilang beses ako mabuhay sa mundo, walang wala ako sa kanya.

          Wala akong number ni pmjr. Hindi ko siya kilala ng personal. Hindi ko siya friend sa FB. Hindi ko siya fina-follow sa Twitter. Ito lang ang gusto ko iparating sa kanya… Bibili pa rin ako ng susunod niyang libro. Titignan ko kung magugustuhan ko. Hindi ko alam kung magsusulat pa ako tungkol dun pero sana, Pugad Baboy 23 na ang worst na Pugad Baboy book para sa akin.

    • aw. nakakahiya naman. mismong si pmjunior pa talaga ang nagcomment sa blog ko. wasn’t expecting this.

      i really have this book. papa-autograph pa rin ako pag nagkita tayo ha. hindi na lang ako magpapa-kilala na ako si promking, ang ikalima sa mga kampeon ng pagibig.

      still a fan.

      • Milliard Kokos

        As what others are saying! Ang soul ng PBB is about socio-polical jokes! If napupurga ka sir sa ganung Genre ng comics ni Mr.PMJr. Then dont buy it. Don’t force Mr. PMJr. to change his specialties pertaining to his book. There are a lot of books w/ different comical genres. You could criticize his comic book (PB23) but not in a rude way, relating your satisfaction to the output of the book as a(Tae)! I think that’s not how a professional citizen would have in mind! Choose words carefully Mr. Professional! I mean a professional have Ethics, Right?!

  2. agree ako sa mga sinabi mo pre. personally, umayaw ako sa pugad baboy simula nung nabasa ko ung PB17. ok sken 1-16 pero nung nag 17 na pumangit na sya. yun at yun na jokes, puro politics. although mejo umayos ung 18, sobrang pumangit na naman sya nung PB 20 onwards. binili ko parin itong 23 kahapon, binasa ko at hindi ko nagustuhan. wala yatang joke dito sa 23 na nakapagpatawa sakin. sana maibalik ni pmjr ung jokes na mala pb3 at pb4, un ang mga dabest compilations for me.

    • hay sa wakas. may nag-agree din sa akin sa blogosphere… sana nga maibalik ni pmjr ang spark niya.

  3. me narinig lang kasi akong balita from classmates na available na ung pb23. nung sinearch ko sa google eh dito ako napadpad sa blog mo.

  4. gusto kong basahin lahat ng pugad baboy, di ko pa nababasa yung 23, tatlong books pa lang nababasa ko ^_^ pansin ko rin namang puro politika ang banats, mula kay mirriam hanggang sa ngayon, haha

    • naalala ko kami magpipinsan. nandun kami sa bahay nung pinakamatanda samin, lahat kami may hawak na pugad baboy book.

      kanya-kanyang tawa lang. ahaha

  5. dude… im a PB fan for the longest time… ikaw ba PB fan? ano ba gusto mo isulat nung kartunista tungkol sa love? Seriously, vice ganda and Justin Bieber? Alam mo ba na puro published na sa PDI yung mga to kaya medyo late na?… iTs a compilation if im not mistaken… seriously dude…. pero kung you listen to justin bieber…. hindi na ko magtataka na hindi mo maappreciate yung satire na laman nung comedy…. tsk… tsk.. pity you…

    • hindi ako ganun ka-fan. ayos lang.

      na-purga lang ako sa political jokes. naghahanap ako ng diversity ng jokes sa libro. wala ako gaano nakuha. mukhang puro politics ang laman ng komiks sa PDI.

      *googling SATIRE now.

  6. Justin Beiber

    Teka may nasulat ka na ba na libro.? Pabasa naman..

    • wala pa. pero binili ko ang libro.

      pag sumulat ako ng libro, wala ka karapatan na batikusin ako pag hindi mo binili ang libro. (unless editor kita!)

  7. follower ako ng pugad baboy. may kopya ako mula 1 hanggang 22. kolektor din ako ng ink and politics ni pmjr.

    ang humor ng social at political commentary ng lahat ng pugad baboy ang para sa akin ay ang kaluluwa ng pb comics

    kung susuriin, mismong ang mga character ay binalangkas sa pampulitika at panlipunang pananaw mula sa kinikiliting kaisipan…

  8. Milliard Kokos

    As what others are saying! Ang soul ng PBB is about socio-polical jokes! If napupurga ka sir sa ganung Genre ng comics ni Mr.PMJr. Then dont buy it. Don’t force Mr. PMJr. to change his specialties pertaining to his book. There are a lot of books w/ different comical genres. You could criticize his comic book (PB23) but not in a rude way, relating your satisfaction to the output of the book as a(Tae)! I think that’s not how a professional citizen would have in mind! Choose words carefully Mr. Professional!

  9. Jose Mercado

    Makabili nga mamaya ng PB23.. hehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *