Memory Miyerkules Egg Pie

Kaklase ng kuya ko si AssaZIN. Naging kinakapatid ko siya dahil naging ninang ko ang nanay niya sa Kumpil. Ninong niya rin ata ang tatay ko sa kumpil kaya ang gulu-gulo na ng pagiging magkumare ng nanay niya at ni mami.

Nagba-bike ako sa village namin isang summer day. Nakasalubong ko siya at kinawayan. Dahil hindi ko trip makipagkuwentuhan, hindi ako huminto sa pagbibisikleta.

Liko sa kaliwa, liko sa kanan. Harurot sa main road at bangking sa kurbada. Ganyan ako mag bike. Minsan nga, magpapasikat pa ako sa kalsada. Nagpi-free hands ako habang tumatakbo ang bisikelta ng 40 kph. Minsan magbubukas pa ng kendi. Ang pinaka magaling kong trick ay lumiko na naka-free hands.

Matapos ang ilang minuto, oras na para umuwi. Parehong kalsada ang tinahak ko. Nakasalubong ko ulit si AssaZIN. This time, may bitbit siyang egg pie. Plano kong kumaway lang ulit at ipagpatuloy ang pagbibisikleta pero na curious ako sa egg pie.

Huminto ako sa tabi niya at nagtanong, “San galing ang egg pie mo?”

“Dun sa SAN ISIDRO BAKESHOP,” sagot niya.

“Malayo yun sa inyo yun ah?” Sumagot ako ng patanong.

“Masarap ang egg pie doon eh.”

Saka ko naisip, basta gusto mo, kahit gaano kalayo, kahit maghapon mo pang lalakarin, basta makuha mo. Yan ang tunay na pagka-GUSTO!

Sige na i-LIKE mo na tong blog post ko!

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *